Huling Lunes ng Hulyo, sa bahay ng mga Aguinaldo. Sa papalapit na pagpasok ng Agosto ay malakas ang usap-usapan sa posibleng pagbabalik ng Metro Manila sa MECQ. Dahil ito sa patuloy na paglobo ng mga kaso ng COVID at ang pagka-overwhelm ng mga ospital at health care workers na lumalaban sa sakit. Ilang linggo na din ang nakalipas mula ang sorpresang pagluwas ni Greg sa Manila, nang malaman ni Diane na may inuupahan na itong condo unit malapit sa kanila. Tuloy pa din ang ugnayan ng dalawa, nagme-message pa din sila o kaya ay tinatawagan ni Greg si Diane kapag may pagkakataon. Ngunit kapansin-pansin ang pagdadahilan minsan ni Diane. May mga pagkakataon na ramdam ni Greg ang tila pag-iwas nito, ikakatwiran ang pagiging busy o kaya naman ay mayroon daw syang bantay. Minsan malambing ito, mi

