Ganon na lang ang gulat ni Pam nang matanaw ang lalaking sa tingin nya ay si Greg, kalakip ang pagtataka kung ano ang ginagawa ng ama sa gusaling iyon. Akma na sana niya itong tatawagin nang biglang maramdaman na may dumikit sa kanyang braso. “Miss… bili ka na ma’am. Face shield at cloth mask, bente lang po isa.” Napalingon si Pam sa nagsalitang lalaki at automatic na napahalukipkip sa pagdampi ng kahon ng face shield na ipinangkalabit nito sa kanyang braso. Noong una ay hindi nya gaanong naintindihan ang sinabi nito dahil sa nakatabon na mask sa mukha ng lalaki ngunit agad din nyang nakita ang bitbit nitong sabitan ng mga panindang inilalako. “Ahh… sorry kuya, hindi po.” tangi nyang naisagot habang umiiling at nagmumwestra ang kamay ng pagtanggi sa inaalok. At muli nyang nilingon ang e

