CHAPTER 59 - BALIK TANAW

4013 Words

Undas. Madaling araw pa lamang ay ginising na sila ng ulan at malakas na ugong ng hangin na humahampas sa dingding ng bahay at mga capiz na bintana nito. Dinig ang langitngit ng mga yerong pumapagpag sa bubong ng mga kabahayan na ang ilan ay tuluyan nang natuklap at nilipad sa may kalsada. Hindi man gaanong naramdaman sa Kamaynilaan ang inaasahang lakas ng bagyo ay nanalanta naman ito sa Bicol at ibang bahagi ng Calabarzon. Wala halos maaninag sa kadiliman ng paligid dahil sa pagkaputol ng linya ng kuryente. Ilang araw ding nagbabala ang mga kinauukulan sa pagdating ng pinakamalakas na bagyo ng taon sa buong mundo at talaga namang ipinaramdam ng Bagyong Rolly ang lakas ng hagupit nito. Pagsapit ng umaga ay bumungad sa lahat ang pinsalang idinulot ng bagyo. Kay raming mga nabuwal at nabu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD