PART 16 - ALEX!!

2118 Words
Huli na ang lahat para sa kanila ni Alex, may asawa na sya at may kanya-kanya na silang buhay. Ngunit ano ito at hindi nya magawang awatin ang kamay ng dating nobyo? Itinaas na nito ang laylayan ng kanyang bestida, dama nya ang init ng palad nito na humahagod sa kanyang balat, mula sa tuhod, pataas ng pataas sa kanyang hita. Lalong lumakas ang loob ni Alex sa hindi pagpalag ni Diane, tama nga sya, tinatablan din ito sa kanyang ginagawa. Pinagpatuloy nya ang paghimas sa magkadikit nitong mga hita hanggang sa dumampi na ang dulo ng kanyang mga daliri sa ibabaw ng panty nito. Sa tinagal-tagal ay muli nyang nasalat ang matambok na p**e ng dating girlfriend. Ngunit nagulat si Alex nang biglang tumayo si Diane. “Excuse me guys, may tatawagan lang ako.” Seryoso ang mukha nito at ni hindi sya nilingon, dali-daling lumakad palabas ng function hall. Agad syang tumayo at sinundan si Diane, nagmamadali ang mga hakbang. Inabutan nya ito sa labas at bago pa sila umabot sa lobby ay hinatak nya si Diane papasok ng men’s CR. Nagkataong walang tao kaya agad nilock ni Alex ang pinto. “Alex! Ano to!” Itinulak sya ni Alex pasandal sa dingding sa kanto ng lababo, sinapo ng magkabilang kamay ang gilid ng kanyang mukha saka sya siniil nito ng halik, lasa pa nya ang whiskey sa mga labi nito. “Uhhm!! Alex ano ba!” Pilit na nagpupumiglas ni Diane, iniiwas ang mukha ngunit di nya magawang makahulagpos sa mahigpit na pagkakayapos ng kanyang ex. Ramdam nya ang matigas na bukol sa pantalon nito na dumuduldol sa kanyang puson. “I missed you so much Diane! f**k, I missed you!” at gumapang ang mga halik nito pababa sa leeg. Gustuhin man nya itong awatin ngunit kulang ang lakas ng mga tulak ni Diane. Tila sya nanlalambot habang nararamdaman ang mainit na halik ni Alex na sumisipsip sa kanyang leeg, maging ang marahas na paglamas nito sa kanyang s**o. Ang scenariong ni-ro-roleplay lang nila ni Dennis, eto at totoong nararanasan nya ngayon. “Aleeexx…” Bakas ang panlalambot sa boses at ungol ni Diane, dala na rin ng nainom, mga nagbalik na alala, at mga pantasya ni Dennis. Muling binalikan ni Alex ang mga labi nito at this time ay gumanti na sya ng halik, nakipaglaplapan na si Diane sa dating nobyo. “God I missed these lips… Uhmm… Come with me to my hotel Diane. Mabilis lang, we’ll be back before they even notice. Uhmpp…” “Uhhmm… No Alex, hindi pwede… May asawa na ko…” Tutol man sya sa sinasabi ni Alex ay tuloy pa rin ang mapusok na halikan ng dalawa. Yumapos ang isang kamay ng lalaki sa kanyang baywang deretso sa kanyang pwet, nilamutak iyon saka bumaba pasapo sa hita at inangat ang isang binti ni Diane papulupot sa kanyang balakang. Napakapit si Diane sa matigas na balikat ng ex upang magbalanse, at idinuldol ni Alex ang kanyang bukol sa matambok nitong p**e habang patuloy na hinihimas ang hita nito. “Huling beses na Diane, please. For old time’s sake.” Lalong ipinagdiinan ni Alex ang pag-dry hump kay Diane habang nakasubsob na ang mukha sa dibdib nito. Napatukod si Diane sa counter dahil halos mapaangat ang nag-iisang binti nya na nakatapak sa sahig dahil sa gigil na pagkanyod ni Alex. “You’re mine Diane, ako nakauna sayo…” Hindi makakibo si Diane, tanging mga impit na ungol lamang ang maririnig dito habang sinisimsim ni Alex ng halik ang puno ng kanyang mga s**o. Bahagyang dumistansya si Alex, inangat ang laylayan ng bestida at sinalat ang p**e nito. Dumidiin ang mga daliri nya sa mamasa-masang pundya ng black lace panty ni Diane at dinadama ang malambot na lamang tinatabingan niyon. “Ilan na ba ang nakakantot dito Diane ha?” bulalas nito habang akmang ipapasok ang kamay sa loob ng kanyang panty. Isang malakas na sampal gumising kay Alex. Para syang binuhusan ng malamig na tubig na agad nagpahupa ng kanyang libog at nagbalik sa kanya sa katinuan. Itinulak sya ng malakas ni Diane at umiiyak na tumakbo palabas. Agad nya itong sinundan habang hinihimas ang pisnging kumikirot pa sa latay ng palad ng dating nobya. Nakalabas na ito ng clubhouse nang abutan nya sa may garden, patakbo na nyang hinablot ang braso nito. “Diane, please. I’m sorry! I’m very sorry!” pagsusumamo nito sa kanya. “Wala kang karapatan na gawin yun sakin, at para pagsalitaan pa ko ng ganon? How dare you!!” maluha-luha nitong sagot, kita sa mga mata nito ang nagpupuyos na damdamin. “I know! I know! Wala talaga Diane. I’m sorry! Please calm down, here, upo ka muna.” Inakay ni Alex si Diane sa isang malapit na bench, sumunod naman ito ngunit asiwang binawi ang kanyang braso, ni ayaw iyong madikit kay Alex. Naupo ito at kumuha ng tissue sa kanyang purse at dinampi-dampi iyon sa kanyang mga mata. Naupo si Alex sa tabi nito bagaman may kaunting distansya. “Nakainom ako Diane, I’m really sorry for what I did. I’m a douche, I shouldn’t have teased you like that. Kaya I’m sorry. I’m a good guy, kilala mo naman ako di ba?” Hindi kumikibo si Diane, pilit kinakalma ang sarili at nakikinig sa paliwanag ni Alex. “Umuwi ako, secondary na lang yung reunion eh. I came back coz I really wanted to see you. I wanted to personally apologize for the hurt I’ve caused you before. And now this, tsktsk, palpak talaga ko kahit kelan.” Bahagyang napangiti na si Diane. “We’ve both moved on, but seeing you kanina, whew, that kinda brought back old feelings eh. Naisip ko nga, it would have been awesome siguro kung umattend tayo na mag-asawa.” Nakaramdam ng kilig si Diane dahil sumagi din ang ideyang yon sa kanyang isipan kanina. Napangiti sya at tumingala sa langit, pinagmasdan ang mga kumukutitap na bituin sa kadiliman ng gabi. “But things happen for a reason I guess, lalo’t mga bata pa tayo nun di ba. Immature pa tayo. And maybe it’s also the lack of a proper closure kaya all these years, I still harbored feelings for you. Kaya siguro hindi ko din naibigay ang 100% ko sa ex-wife ko.” “Again Diane, I’m sorry. I hope you’ll forgive me.” “Forgiven. Sorry din, nasampal pa kita.” at natatawa nitong sinipat ang pisngi ni Alex kung nagmarka ang kanyang palad doon. “Oo nga eh, ang lakas ha!” Pabirong hinimas-himas muli ni Alex ang pisngi. “Ano ba yung nabasa ko sa meme… Pinagtagpo pero hindi itinadhana. Yun! Ganon tayo hahaha… But I’m happy for you Diane. I can tell that you married a good man at masaya ka sa family mo, I can see it in your eyes.” “Yup. I am.” maigsing tugon nito sabay ngiti kay Alex. “And I’m hoping na ikaw din, mahanap mo na din ang magpapasaya sayo.” “Oo nga eh, hanapan mo nga ko habang nakabakasyon ako!” All’s well that ends well. Huli man ay natuldukan din sa wakas ang mga naiwang dalahin sa pagitan ng dating magkasintahan. At ngayong may kanya-kanya na silang buhay ay maaari na ulit sila maging mabuting magkaibigan. Naunang bumalik si Alex sa venue habang si Diane ay dumaan muna ng washroom upang mag-retouch. Pagbalik ni Diane ay nagkakasayahan pa din ang mga kabatch sa event, nakatayo na ang iba habang excited na nag-aabang sa mga mabubunot sa raffle. “Eh yun? NBSB. Ligawan mo na!” bulong ni Diane kay Alex habang inginunguso ang isa nilang kabatch. “Hmm ayoko. Isang hektarya ang gilagid.” “Hala grabe to! Wala namang maganda sayo!” “Meron ah. Kaso may asawa na eh. Hahaha!” “Tse. Ayan ka na naman! Hahaha” Dumako na ang programa sa pagbibigay ng special awards base na din sa pagbobotohan ng magkakabatch sa isa’t isa. Ilan lamang sa mga awards ay ang Early Parent award, Beer Belly award at #Trending award, at ilan pang mga kakatwang parangal na naging tampulan ng tuksuan na lalong nagpasaya sa okasyon. “Okay boys and girls, settle down. We’re down to the last 2 awards… our King and Queen of the Night. Oh di ba ang lakas maka-JS Prom!” announce ng emcee sabay cue in ng kantang ‘King and Queen of Hearts’ ni David Pomeranz sa background. Hiyawan ang magkakabatch. Napailing na lang si Diane dahil kahit hindi pa inaannounce ng host ay halata naman ang resulta dahil lahat sila ay nakalingon sa kanila ni Alex. “Sabay na natin silang tawagin tutal magkatabi naman sila… Our King and Queen of the Night… Mr. Alexander Ferrer and Ms. Diane Jane Lucero!” Puro kantyaw ang inabot nilang dalawa habang inaalalayan ni Alex si Diane paakyat ng stage. Tila lalong nang-iinis ang mga kabatch dahil napalitan ang background music ng ‘Muling Ibalik’ na sinabayan pa ng pagkanta ng audience sa parteng chorus. “Muliiing ibaliiik ang tamiiis ng pag-iiibig… Muling pagbigyan ang pusong nagmamahaaal…” Kumpleto talaga sa pakulo ang organizers ng event, may crown at sash pa ang dalawa at bouquet ng flowers na game namang iniabot ni Alex kay Diane. “Kiss! Kiss!!” nakakalokong buyo ng mga kabatch. Tinawanan lang ito ni Diane, inangat naman ni Alex ang kamay nya at tumatawang itinuro ang suot nyang wedding ring. Pabirong sumenyas si Alex sa kamay na hindi pwede mag-kiss dahil baka itumba sya ng asawa ni Diane. “Alam nyo, you look good together. Sana kayo na lang, di ba guys noh?” at naghiyawan ang audience ng pagsang-ayon. “Girl, may annulment naman sa Pilipinas.” biro ng emcee kay Diane na tinawanan lamang nito. “Oh kung ayaw naman nya Papa Alexander, andito lang ako, I’m very much single!” sabay yapos nito sa maskuladong braso ni Alex at muling naghagalpakan ang audience. “Once again, a round of applause for our King and Queen of the Night… Alex and Diane!!” Mag-aalas onse na natapos ang event. The reunion party was a huge success. Muling nakapagreconnect ang mga dating magkakaibigan, umuwing masaya ang lahat at puno ng mga bagong alaala. “Nice meeting you Alex.” sambit ni Dennis sabay abot ng kanyang kamay. “Likewise, likewise Dennis.” inabot naman iyon ni Alex at nakipagkamay sa mister ni Diane. “Hon baka gusto mo sya ayain minsan sa bahay?” “Ah yeah, kung may time ka Alex, daan ka minsan sa bahay ha.” “Sige I’ll check my sched, sana kayanin. Will let you know, message kita Diane kapag makakadalaw ako.” “Oh pano pre, mauna na kami ha.” paalam ni Dennis. “Sige pre drive safe, ingat kayong dalawa.” Kumaway si Diane kay Alex saka isinara na ang passenger window at umusad na sila ni Dennis sa daan. Agad hinubad ni Diane ang suot na sapatos at hinilot ang mga paa, ang hirap talaga mag tiis-ganda, bulalas nito. Panay ang lingon ni Dennis sa kanyang asawa, nanunuya ang mga tingin at ngisi nito. “Anooo?!! Baket ba?!! Hahaha sabi ko sayo sumama ka eh para hindi ka nagkakaganyan!” “Kahit naman di ako sumama, parang andun din ako eh. Panay tag kaya sayo nung mga kaklase nyong atat mag-upload.” “Selos ka? Hahaha!” “Hmp, mas gwapo naman pala ko dun eh. Pinagbihis mo pa talaga ko para ipakilala dun ha.” “Eh pano nga, alangan namang ipakilala kita ng naka sando at boxers?” “Di naman pogi, inglisero lang saka malaki katawan. Nag-MMA ba yun?” “Haha ewan ko ba dun, buhat is life.” “Magkatabi pa kayo ha… King and Queen pala ha… mamaya ka sakin!” Panay ang kwentuhan at kantyawan ng mag-asawa sa daan. Pinili ni Diane na wag na banggitin kay Dennis ang namagitan sa kanila kanina ng kanyang ex. Alex will always be special to her. Ito ang kanyang unang minahal, dito din nya unang inialay ang kanyang sarili. Masaya sya dahil hindi man sila nagkatuluyan ay napanumbalik nila ang kanilang pagiging magkaibigan. Iba-iba ang opinyon ng tao pagdating sa virginity, ngunit sabi nga ni Dennis nuon sa kanya, hindi naman mahalaga kung virgin o hinde. Aanhin mo nga naman na ikaw ang naka-una, kung hindi naman ikaw ang huli? Kung magkakahiwalay din pala kayo paglaon. Hindi man si Dennis ang kanyang una, ngunit natitiyak nyang si Dennis ang kanyang huli. Tumunog ang phone ni Diane, sinilip nya ang telepono at bahagyang nagulat kung sino ang nag-message. Si Greg. Agad nyang binasa ang laman nito. Diane ang hirap. Mahirap pala mag-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD