Pagkagraduate ay nanatili pa rin silang nangungupahan sa Batangas City hanggang sa nakahanap na sila ng trabaho. Malapit lamang ang boarding house ni Greg sa kwartong inuupahan ni Elsa kasama ang kanyang ate. Mula noon ay naging regular na ang s*x ng dalawa. Ang dating mahinhin at konserbatibong Elsa, nang lumaon, ay sya pang nangungulit kay Greg minsan.
Sa boarding house, sa motel, kila Elsa, basta may pagkakataon na magkasarilinan ay hindi pinalalampas ng magnobyo. Kaya’t di na nakapagtataka na ilang buwan pa lamang mula ng gumraduate sila ay nabuntis agad si Elsa.
Nabigla man ang mga magulang ni Elsa ay wala na rin silang nagawa kundi pumayag na maikasal na ang dalawa, tutal ay kakilala naman nila ang pamilya ni Greg. Masayang-masaya syempre si Greg na mapangasawa ang babaeng kay tagal nyang pinangarap.
Napakaganda lalo ni Elsa sa araw ng kanilang kasal, kitang-kita sa maaliwalas nitong mukha at kinang sa mga mata nito ang labis na kasiyahan sa kanilang pag-iisang dibdib ni Greg habang dala nya ang kanilang magiging anak. Di naiwasan ni Greg na mapaluha sa wedding vow na inihanda ng kabiyak para sa kanya.
Greg… Salamat.
Salamat sa pagmamahal at pagtyatyaga
Salamat sa pag-unawa at pagkalinga
Mula ngayon, asahang lagi akong nasa iyong tabi
Magkasama nating aabutin ang ating mga binuong pangarap
Ikaw ang aking kaligayahan, ikaw ang aking lakas
Ikaw ang una at huling lalaking aking mamahalin
Ikaw lamang ngayon… at magpahanggang wakas.
Isang magarbong reception ang naganap, imbitado ang lahat ng mga kamag-anak, kaibigan at dating kaklase ng mag-asawa. Napuno ng tawanan at kasiyahan ang okasyon. Sunod sa nakaugaliang kasalan sa Batangas ay ang money dance kung saan nagpapasiklaban ng sabit ang magkabilang partido ng lalake at babae.
Tuwang-tuwa ang mga kabatch nila nung highschool dahil sa kanilang magkakaklase ay sila Greg at Elsa pa lamang ang unang nagkatuluyan. Tawa ng tawa sila Dennis at Greg habang pinapanood ang mga kaklase nilang babae na kabilang sa mga nakipaggitgitan sa bouquet toss.
“Ano, ready na kayo dyan ha? Eto na… 1… 2… 3!” at patalikod na inihagis ni Elsa sa ere ang kanyang bouquet.
Sa halip na sa kamay ng isa sa mga abay bumagsak ang bulaklak, sa batong nakaukit ang pangalan ni Elsa ito humimlay.
In Loving Memory Of
Maria Elsa Y. Corpuz
September 4, 1979 | January 18, 2020
Gregorio Y. Corpuz Jr.
January 18, 2020 | January 19, 2020
Nagulat ang lahat, walang nag-akala sa mga pangyayari lalo’t alaga naman sa regular na check-up ang pagbubuntis ni Elsa. Ngunit sa kasamaang palad, ang inaantabayanan nilang masayang pagdating ng bagong myembro ng kanilang pamilya ay nauwi sa trahedya. Pinalad man na hindi sila gaano naapektuhan ng pagsabog ng Taal, ngunit mas matinding dagok naman ang dumating.
Napakabilis ng mga pangyayari. Nuong una ay inakala nilang normal lamang ang pamamanas ng mga binti dahil kabwanan na nga ni Elsa. Malalim na ang gabi nang Sabadong iyon nang makaranas ito ng pananakit ng ulo, pagkahilo at pagsusuka.
Nang mawalan ng malay at kinumbulsyon ay agad siyang isinugod ni Greg sa ospital at napag-alamang napakataas na pala ng BP nito at nag-suffer ng eclampsia. Nag-emergency CS ang mga doctor kay Elsa upang subukang maisalba ang buhay ng mag-ina.
Sa kasawiang palad, on-going pa ang operasyon ay bumigay na si Elsa dahil sa mga kumplikasyon. Matagumpay namang nailuwal ang bata ngunit kritikal dahil sa kakulangan ng oxygen supply sa utak nito. Agad syang dinala sa NICU subalit ilang oras lamang ang tinagal ay namaalam na din ito.
Parang pinagsukluban ng langit at lupa si Greg, di makapaniwala sa mga pangyayari. Agad nyang tinawagan sila Dennis upang sya nang magparating ng balita kay Pam.
Matapos ng tawag ay agad na pinuntahan ni Diane si Pam para gisingin at inaya ito sa dining upang kausapin. Nakaramdam pa ito ng kaba dahil inakalang nalaman na ni Diane ang tungkol sa kanila ng mister. Si Dennis na ang nagsabi kay Pam ng masamang balita, at napahagulgol na lamang si Pam habang yakap ng kanyang ninong.
Ora-oradang bumyahe pauwi ng Batangas sila Dennis at Pam, di mapatid ang pag-iyak ni Pam na sadyang malapit sa kanyang ina. Hindi muna nakasama si Diane, heightened alert kasi sila sa ospital dahil sa dumaraming suspected nCoV cases sa kamaynilaan. Makalipas ang ilang araw ay nakahabol naman si Diane sa huling gabi ng lamay at sa libing.
Habang inilalapag ang bouquet sa bagong sementong lapida ay umusal ng taimtim na panalangin si Diane para sa mga namayapa at nangakong magsisilbing pangalawang ina sa mga anak ng kumare.
Kanina ay binibiro at pilit pinagagaan ni Dennis ang kalooban ni Greg habang pinagmamasdan nito ang bunso at ang misis sa huling pagkakataon, ngunit tuluyan na itong bumigay nang isara na ang mga kabaong at ibaba na ang mga ito sa hukay.
Nag-uwian na ang mga kamag-anak at kaibigan na nakipaglibing, naiwan na lamang ay ang mag-aama at ang mag-asawang Dennis at Diane. Nakaakbay si Pam kay Kyle na nakayakap naman sa kanyang papa, silang tatlo ay umaagos ang luha dahil sa mapait na katotohanang kailanman ay di na makukumpleto pa ang kanilang pamilya.
Pumisil ng pakikiramay si Dennis sa balikat ng kumpare sabay sumenyas kay Diane na may kailangang tanggaping tawag. Tumango si Diane at bahagyang lumayo si Dennis upang sagutin ang telepono.
“Halika na Kyle. Pa, una na kami sa sasakyan ha.” sambit ni Pam habang nagpupunas ng luha.
Tumango lamang si Greg sa panganay at sumenyas ang kamay na mauna na sila ng kapatid, at naiwan sa tapat ng puntod sila Greg at Diane.
Hindi pa rin makapaniwala si Greg sa biglaang pagpanaw ng kabiyak, na nababasa nya ngayon ang pangalan nitong nakaukit sa lapida. At kakatwang nababasa din nya ang sariling pangalan na nakasulat sa semento, habang minamasdan ang pangalan ng kanyang junior.
Pakiramdam ni Greg ay para na rin syang namatay sa pagkawala ng kanyang mag-ina subalit kailangan nyang magpakatatag at magpatuloy sa buhay alang-alang sa dalawa nyang anak.
Ma, sobrang mamimiss kita… Mahal na mahal ko kayo ni Junior… Ikaw lang ang nag-iisang babaeng minahal ko Elsa. Ikaw lang. Balang araw magkakasama ulit tayo… Paalam.
Pisil ng daliri ang nose bridge, nakapikit at nakayukong lumuluha si Greg habang taimtim na umuusal ng huling paalam sa kanyang mag-ina. Lumapit si Diane at tumabi kay Greg, tumapik ng pakikiramay sa braso ng kumpare saka nag-abot ng puting panyo dito.
“Pare kapag may kailangan ka ha, andito lang ako.”
----------------------------------------------------------
Mahirap ngunit kailangan ipagpatuloy ni Greg ang buhay. Magdadalawang buwan mula nang biglaang pagpanaw ng maybahay at ng inaasahang junior ay hindi pa rin nya lubusang matanggap ang pagkawala ng kanyang mag-ina. Walang araw at sandaling lumipas na hindi nakararamdam ng pangungulila.
“Pare… Hik! Halika pre at makapang-chicks tayo nang hindi ka nalulungkot. Ala ehh, kailangan lang di-ne kay Pareng Greg ay may mag-aliw siguro eh, di ba mga pare? Hiik!”
“Nako hindi na pre, sakit lang sa ulo yan. Isa pa magagalit yung si kumander tiyak. Mamaya kalabitin pa nun pwet ko eh.” pagsakay ni Greg sa biro ng kainuman habang nagbubuhos ng gin sa baso.
“Nakooow, libang la-ang naman! Maunawaan na ni Elsa yun pre, kailangan mo pa rin syempre na makagarahe paminsan-minsan hehehe”
Bagaman nariyan ang pamilya at mga kaibigan na umaalalay at lumilibang, sadyang namimiss talaga ni Greg si Elsa. Languin man nya sa alak ang sarili ay hindi nito mapapawi ang pagdadalamhati, di nito mababago ang katotohanan. Wala na si Elsa. Ang kanyang unang pag-ibig, ang nag-iisang babaeng minahal at naging kasintahan, ang unang babaeng kanyang naangkin, ang nag-iisang kabiyak ng kanyang puso.
Dumaan ang unang Valentine’s na wala na ang misis, kaya’t sa halip na kumain sa labas gaya ng nakasanayan nila ay sa sementeryo na lamang dumalaw si Greg. Sa halip na sa plorera nakalagay ang mga pulang rosas ay sa ibabaw ng puntod ni Elsa iyon inialay.
Buwan na ng Marso, nalalapit na ang kanyang kaarawan, ang una nyang birthday na wala na ang misis. Napaisip kung marapat pa ba nya itong ipagdiwang gayong ang maybahay na laging punong abala para sa kanyang espesyal na okasyon ay nilisan na sya.
“Sige na Inday, ako na yan, pakilapag na lang dyan.”
Isinalansan ni Greg ang mga bagong plancha nyang damit sa cabinet, kapansin-pansin ang pagluwang niyon mula ng alisin na nya ang mga damit ng namayapang asawa. Kanina ay sya ang nagpanik ng mga damit ni Kyle sa kwarto nito, at dahil abala ito sa pagrereview para sa huling periodical exams ay si Greg na din ang nagsalansan sa cabinet. Gawaing dati ay ang misis ang nag-aasikaso, ngunit ngayon ay sya na ang gumagawa bilang isang single parent.
Sa pag-aayos nya ng kanyang drawer ay napansin nya ang isang hindi pamilyar na puting bulaklaking panyo, at bahagya syang napangiti ng maalalang sa kumare nga pala iyon, iniabot ni Diane sa kanya nung araw ng libing.
Kinuha iyon ni Greg, inilapat sa kanyang mukha at inamoy, di maiwasang sumagi sa isip ang huling mainit na tagpong namagitan sa kanila ng asawa ng kanyang kumpare.
Sayang at hindi pa nya iyon naisauli sa kumare nang huli silang nagkita. Kagagaling lamang doon ng mag-asawa dahil sinamahan nila Dennis at Diane si Pam na umuwi ng Batangas para sa 40 Days nila Elsa nung nakaraang linggo.
Inabot ni Greg ang cellphone nya at naisipang magmessage at mangamusta sa kumare, ngunit pinigilan nya ang sarili, ayaw nyang mag-isip pa ito ng kung ano. Muli na nyang itinago ang panyo sa drawer, tatandaan nyang dalhin ito kapag naluwas sya ng Maynila. Sigurado namang magkikita at magkikita pa rin sila ulit ni Diane.