"Kriogi" hindi ko magawang lingunin ang tumatawag saakin, nakatulala lang ako sa harap ng bangkay ni Junyu. "Kriogi" muling tawag sakin, naramdaman kong may yumakap saakin mula sa likuran "Kriogi What happen? You kill him? Omygosh i don't know na kaya mo palang pumatay" Sabi ni Kendell at umiling iling na parang nanunukso pa. "Wag mo nga siyang pinag bibintangan" Galit na sabi ni Charl kay Kendell. "Kriogi" tawag ni Yvo, nilingon ko siya. Tinanggal ko ang kamay ni Trevor na nakayakap saakin at si Yvo ang niyakap ko. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun, niyakap ko ng mahigpit na mahigpit si Yvo, naramdaman ko ang kamay niyang niyakap ako pabalik at hinimas ang aking likod. "Yvo" basag ang boses na tawag ko kay Yvo. Ayokong madamay si Trevor saamin ni Psycho katulad ng ayaw niyang ma

