"Kriogi, Mabuti at ligtas ka" Pag kagising ko agad ko silang nakita. Nakatayo sa harap ko si West at Chase, nasa gilid ko si Trevor habang sa kabila ay Si Yvo. Nakaupo naman si Kendell sa tabi ko na nag salita. Si Charl naman ay katabi ni Luke na nakaupo sa Sofa "Asaan ako?" Tanong ko. "Nasa hospital" Sagot ni Trevor, nilingon ko naman siya na seryoso lang ang nakatigin saakin. "Kriogi, Dapat ay hindi mo na ginawa iyon" Sabi ni Charl at tumayo lumapit saakin. "Kung hindi ginawa ni Kriogi iyon, Wala si Kendell ngayon" Sabi ni Luke. "Sinasabi mo bang dapat talagang gawin ni Kriogi iyon?" Tanong ni West na medyo iritado. "Hindi, Ang akin lang. Bayani si Kriogi" Sabi ni Luke at nag kibit balikat. Hinawakan naman ni Kendell ang Kamay ko "Kriogi, Salamat huh? Sorry dahil pinag bintangan

