Nakapasok na ako ng nakapag pahinga na ako.
"Katangahan kasi" bulong ni Trevor, tinignan ko siya ng masama.
Ang sakit talaga niyang mag salita! Kainis
"Okay kana Kriogi?" Tanong ni Yavi, tumango naman ako.
"Medyo masakit pa ang likod ko" sabi ko at hinila ang takip ng ballpen ko saka nag sulat na ng lecture, wala kaming teacher ngayon dahil nag memeeting sila pero may iniwan saaming lecture.
Tumunog naman ang bell hudyat na break time na. Sakto ay gutom na ako
"Lunch na tayo" pag aaya ni Charl. Saaming mag babarkada dalawa lang kaming babae ni Aires.
"Tara na" hinila naman ako ni Aires
Nag tungo na kami sa canteen, duon kami sa gitnang table umupo. Walang ganong tao ngayon sa Canteen dahil walang pasok ang mga Junior Highschool.
"May pasok pa kaya mamaya?" Wala sa sariling Tanong ni Charl.
"Meron malamang" Sagot ni Aires, Ilang sandali pa ay dumating si Trevor at Yavi na dala dala ang mga order namin.
"Hi Trevor, Can i join?" Kumukulo ang dugo sa tuwing maririnig ko ang Boses ni Lira
"Hmm" tumango naman si Trevor, tumabi siya sa tabi ni Trevor sa tapat namin ni Charl. Mag katabi si Aires at Yavi mag pinsan ang Dalawa.
Padabog kong tiniridor ang fried chicken. Lahat naman sila ay lumingon saakin.
"May galit ka ba sa manok?" Natatawang tanong ni Charl.
"Meron! Nang dahil sa kaniya nagkaroon ako ng Chicken fox. Hindi tuloy ako nakaattend ng field trip nuon" Kwento ko at talagang galit sa manok pero ang kinagagalit ko nga ngayon ay ang pag tabi ni Lira kay Trevor
"Psh, Baliw" natatawang sabi ni Yavi at Umiling. Ginutay gutay ko naman ang manok. Inalisan ko ng Balat at itinabi iyon, mas gusto ko ang balat ng manok dahil nanduduon ang lasa.
Ibinigay ko naman kay Charl ang Laman ng Manok.
"Sayo na yan" sabi ko habang nilalagay ang manok na ginutay gutay ko sa plato niya.
"Hah? Ayoko ng Manok" sabi niya. Pabagsak ko ulit na tiniridor ang manok at tinapat sa bibig niya.
"Kakainin mo to o titiridorin kita?" Nakataas ang kilay kong tanong, sa takot ata ay naisuubo niya nga ang manok na nasa tinidor.
"Masarap charl?" Malokong tanong ni Yavi, Pilit na tumango si Charl.
"To All Students Go To Gym..." Sabi sa Speaker. Padabog ko muling binaba ang Tinidor at Kutsara ko, nakakawalang ganang kumain. Lalo na't kaharap ko si Lira.
I lost my appetite
"Ano ba yan, Kumakain pa ako e" inis na angal ni Aires.
"Istorbo kakain muna ako" Angal din ni Yavi.
"Sabay na tayong pumunta ng Gym Trevor" sabi ni Lira wala sa sariling tumango si Trevor.
"Tara na Charl" sabi ko. Nilingon naman nila ako.
Tinignan ko si Trevor na nakakunot ang Noo at sinulyapan naman si Charl na nilakihan ko ng mata, mabilis niyang sinubo ang pag kain niya at uminom.
"Tayo na" sabi niya at tumayo na din.
"Kayo na?" Tanong ni Yavi habang nakangisi.
"Ulol!" Sabi ni Charl at kumamot ng ulo.
"Mauna na kami" bago kami umalis tinignan ko muna si Trevor na walang ka expression expression ang mukha.
Bahala siya! Nag seselos ako!
Kahit may Aircon dito sa gym ramdam ko ang Init. Lahat ng estudyante ng Utopia University nandito pati ang mga junior na walang pasok.
"Listen Students. May Curfew na kayo, Dapat 6:30 pm pa lang ay nasa mga kaniya kaniyang Dorm na kayo. Kailangan nating mag ingat" Lumakas ang bulungan ng sabihin ni Mr.Lorenzo iyon, isa si Mr.Lorenzo sa mga Dean.
"Manahimik" saway ni Ms.Soriano. isa din sa mga Dean
"Para sa mga kapakanan niyo ito, kung makikipag kaisa kayo saamin magiging ligtas kayo dito sa loob ng paaralan" sabi ni Dean Lorenzo.
"Sana hindi makarating sa mga parents niyo ito masisira ang reputasyon ng School" sabi ni Ms.Soriano
Wait! Ano daw? Did i heard it wrong? Bakit parang mali?
Dapat nga itong malaman ng mga parents namin
"Damn that Reputation, Reputasyon lang ng school ang inaalala niyo? Paano naman kaming mga estudyante? Paano kung isang araw mamatay nalang kami, wala man lang kaalam alam ang mga magulang namin?" Sigaw ng isang estudyante, Siya si Riyonza. Leader ng Gangster sa Section F.
"Isasarado namin ang School at walang lalabas, Wala munang lalabas. Ngayong Weekends Sa Mga kaniya kaniyang dorm lang kayo" Maraming estudyanteng nag protesta ng nag desisyon si Headmaster Santiago.
"Mag hihigpit ang mga security ngayon, para hindi makapasok ang kriminal at mag pagala gala sa loob ng paaralan" dagdag nito
Ano bang iniisip ng aking magaling na Ama?
I know he just protecting the reputation of his school and for student safety pero hindi ba mas maganda ngang sabihin sa magulang?
Baka may alam sila?
"What? Gagawin ba nila tayong bilanggo? Paano ako mag shoshopping" maarteng sabi ni Loina.
Humalukipkip ako sa walang kwentang protesta ni Loina
"Sige mag shopping ka at mamatay na" sabi ni Aires at nag kibit balikat.
Nag buntong ako at napailing nalang sa mga nangyayare
Kastress
"Babe" tawag ni Yavi kay Ylari.
"Oh babe, nandito rin pala kayo?" Nilapitan naman ni Ylari si Yavi.
"Wala kami dito" pilosopong sabi ni Loina, Crush kasi ni Loina si Yavi. Bitter dahil magkarelasyon na ang dalawa.
Paano kung nandito ang kriminal? Isasarado nila ang school wala ring sense iyon.
"TAHIMIK!" Galit na suway ni Dean Jimenez. Natahimik naman ang lahat, Dahil Pakelamera at Curious ako nag taas ako ng kamay.
"Anong ginagawa mo? Ibaba mo nga yang kamay mo" Saway ni Charl at binaba ang braso ko kaya sa kabilang kamay ko ang itinaas ko.
"Yes, Miss?..." Tanong ni Headmaster Santiago. Tumayo naman ako, halos lahat ng estudyante dito sa gym ay nakatingin na saakin.
"Miss Tan po" sagot ko at medyo iritado na pinipigilan ang sarkasimo
"Yes Miss Tan? What's the problem?" Tanong ni Headmaster Santiago. nilapitan naman ako ni Ma'am Cuevas.
"Anong ginagawa mo Kriogi?" Iritadong tanong ni Lira.
Kinuha ko naman ang Microphone kay Ma'am Cuevas na inibot niya. Nag hihintay naman ang mga estudyante sa itatanong ko.
"I respect your decision Headmaster Santiago" panimula ko. Kita ko sa Peripheral vision ko si Trevor na nakatitig saakin.
"Thank You Ms.Tan" kampanteng sabi ni Headmaster Santiago.
"But i don't think that's a good idea" nag bulungan naman aang mga estudyante.
"In my opinion, What if the killer is one of the Student here? Maari pa ring hindi ligtas kaming mga estudyante. Sana po ay mag dagdag kayo ng Seguridad, Mag lagay po kayo ng mga Gwardya sa kaniya kaniyang Dormitory" pag papatuloy ko.
"Thanks to your suggestion Ms.Tan, i will make sure my students are safe. That's For to Day, Good Day Students go to your respective rooms" Sabi ni Headmaster Santiago at Umalis na. Nakababa ang balikat namin habang palabas na ng Gym, hindi ligtas ang mga estudyante rito.
"What if si Headmaster ang Psycho The r****t?" Tanong ni Yavi.
"Yeah, Malaya niyang magagawa ang krimen niya kung isasarado ang school mas maraming estudyante ang mabibiktima niya" sabi ni Aires.
"Kaya ayaw niyang malaman din ng parents natin ito" Gatong ni Yavi sa sinabi ng pinsan
"Masama ang mag bintang" nilingon naman namin si Trevor na nag salita, nakahalukipkip lang siya.