S I M U L A
Halos masuka ako sa nakikita ko ngayon. Isang hubad na bangkay ng isang babae sa isang dorm, Hindi matukoy kung ano ang nangyari. Sabi sabi ay Nirape muna ito bago patayin, Ows? Pano nila nasabi? Nakahubad lang Nirape na agad? Malay mo naliligo siya tapos pinatay sakto at nandito siya sa Banyo namatay.
Mahina ako sa Deduction pero Hindi ko iisiping lalaki ang gumawa, Bakit? Wala lang trip ko lang para maiba kasi etong mga kasama ko palupitan ng Deduction akala mo kung sinong mga Detective pare pareho silang lalaki ang Sagot.
"Nirape yan bago patayin" deduction ni Aires.
"Yeah, I agree with you" Sabi ni Yavi.
"K. No choice sayo na ako aagree" sabi ni Charl.
"Disagree" sabi ng estatwang si Trevor Hirota. I mean parang estatwa, walang feelings yan wala ring reaction, just like mannequin.
"Sabi na e Tama ang deduction ko" singit ko, lumingon naman silang lahat saakin.
"What deduction?" Nakataas ang kilay na tanong ni Charl. Nag aabang naman sila sa sagot ko, nag buntong hininga ako at medyo hinangin ang Bangs ko
"Na hindi sasang-ayon si Nyuli sainyo" sabi ko at nginusuan si Trevor Jenshu na nakatitig sa bangkay, Kanina pa siya titig na titig duon
"Hoy! Type mo ata yan e. Mamboboso ka! Ang manyak mo" Binatukan ko siya, wala lang iyon sa kaniya dahil nilingon lang ako.
"Anong masasabi niyo mga detective?" Natatawang tanong ni Detective Lawren.
"Huh? Diba ikaw ang detective dito? Dapat ikaw ang tinatanong namin" masungit na sabi ni Aires.
Yeah right. Feeling detective lang naman kami e.
"I think hindi lalaki ang gumagawa nito" sabi ko at humalukipkip. Tumawa naman si Detective Lawren kasama sila Yavi at Charl.
"Spill it" nilingon ko si Nyuli na nag salita. Nyuli tawag sakaniya sa bahay nila e, Ewan ko kung bakit.
"Sa sarili ko lang opinion, Opinion ko lang to hah? Baka naman naliligo ang biktima ng patayin siya. Sakto at nandito tayo sa Banyo isa pa ay nakahubad meron bang naliligong hindi nag huhubad?" Eksplanasyon ko at talagang pinag lalaban ang iniisip ko pero meron din kasing bumubulong sa sipan ko na baka r**e nga iyon
"Meron, Pag nag suswimming" sabi ni Yavi. Tinaasan ko siya ng kilay
"Err! Ewan ko sayo" inirapan ko naman si Yavi.
"Or Maybe, Na r**e nga ang biktima at pinatay para hindi na mag sumbong" Talagang pinag lalaban naman ni Aires ang sa kaniya
Well, we all have different side kaya hindi ko din siya masisi na duon ang paniwalaan niya and beside this is free country, paniwalaan mo kung anong gusto mong paniwalaan at gawin mo kung anong gusto mong gawin
"I'm Agree with Kriogi" Nilingon naman namin si Jenshu na nag salita.
Himala ito!
"Sakin?" Di makapaniwalang tanong ko at may paturo pa mismo sa sarili ko. Tumango naman siya
"Hmm" tumango siya.
Pinaalis na kami ni Detective Lawren, Tito ni Trevor si Detective kaya pinapayagan kaming pumunta sa Crime Scene.
Silang lahat ay gustong maging detective balang araw. Ako ayoko, but i do detective thingy kasama sila syempre. Dahil mag kakaibigan kami kung ano ang gagawin ng isa gagawin din namin Uto uto lang.
Isa lang kaming simpleng estudyante dito pero simula nung sunod sunod na p*****n sa School naging isa kaming Detective Kuno! Hindi naman talaga kami Detective e sadyang pakelamera lang kami, Hindi kami nag cipher ng codes wala din kaming naeencounter na mga codes, Just like the ordinary pakelamerang Estudyante na gustong malutas ang p*****n sa School.
Kadalasan ay Babae ang biktima, Maraming nag sasabing may r****t daw dito sa school at kadalasan sa Dormitory nagaganap ang pang rarape DAW.
Inaakusahan nga nila ang mga Gwardya namin dahil may nakita daw isang Gwardya na paikot ikot sa Cr ng mga babae saka isa pa mukha daw m******s ang mga gwardya, Saan ka naman makakakita ng Gwapong Gwardya? Aba mag aartista nalang sana sila kesa mag gwardya pa, nag hahanap lang kayo ng malalandi e.
Nilingon ko ang mga nakikiusyoso at ang iba ay sa kaibigan ko lang nakatingin at kinikilig pa
Seriously?
Etong si Trevor Jenshu Hirota hindi ko alam kung bakit habulin ng mga babae. Marami na akong bashers dahil sa kaniya, nilalandi ko daw, pwe! Landi nila mukha nila. Yung iba alam na kababata ako ni Nyuli.
"Nyuli" tawag ko kay Trevor. Dalawa nalang kami ngayon, Nagutom yung tatlo at nauna na sa Cafeteria.
"Hmm?"
"Use Nyuli in a sentence?" Tanong ko.
"Shoot" sagot niya at ngumiwi naman ako, Dapat use it yun e. Gwapo nga shunga naman! katataas pa naman ng grades niya konting Use in a sentence di pa maintindihan!
"Trevor kelan ka nag pa nyuli?"
"That's not a sentence, it's a question" patuloy lang siya sa pag lalakad.
"Gets mo ba?" tanong ko.
"Stop talking nonsense" Mas binilisan niya pa ang pag lakakad. hindi naman ako pandak para hindi siya mahabol.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Kung saan malayo sayo" he said in his usual cold tone
Whatever!
"Saan yun? May lugar ba nun?" Pamimilosopo kong tanong
"Tss". Suplado talaga tong kupal na to!
I let him walk away at di pa man nakakalayo ay biglang may humarang na sa kaniyang mga fan girls niya.
Pogi problem eh?
"Hi Trevor" bati ng isa na kinikilig.
"Cake for you" sabi niya at nilahad ang isang kahon ng Cake.
"No thanks" supladong ani Trevor at nilagpasan na ang mga babae.
"Ang suplado talaga niya, Pasalamat siya gwapo siya at matalino" sabi ng isang nainis sa ugali ni Trevor. Napailing nalang ako, kahit anong gawin nila suplado talaga yan.
Nawala ang ngisi ko nang makitang papalapit na sila saakin
"Kriogi" tawag nila at lumapit na nga
"Kriogi, diba kaibigan mo si Trevor? Pakibigay naman to sa kaniya oh, Thanks" hindi man lang nila hinintay ang sagot ko iniwan nila saakin ang mga bitbit nilang cake at kung ano anong regalo nila para kay Trevor
in the end marami akong Bitbit.
"Kriogi" Ugh! ayaw ko na sanang lumingon dahil marami akong dala pero si Charl ang tumawag.
"Bakit?" Iritado kong tanong.
"Tulungan na kita" kinuha niya ang hawak kong cake at binuhat iyon
"Ayan lang?" tanong ko at pinatong pa ang isang cake sa hawak niya sinabi ko naman sa leeg niya ang mga paperbags.
There you go!
"Paki bigay kay Trevor, Thanks a lot belat" sabi ko at agad tumakbo para hindi na siya makaangal.