"Bumalik na ulit si Headmaster" Sabi ni Aires. "Patay na si Riyonza, sakto nung dumating si Headmaster nakita na ang bangkay ni Riyonza sa Office niya" Pag kukwento niya. "Kung hindi si Loina, Ranz at Riyonza ang Killer. Sino?" Tanong ni Charl. "Trevor, Nawawala si Loina. Natakasan niya ang mga police" nag aalalang sabi ni Lira. "Posibleng si Loina ang pumatay kay Riyonza" Sabi ni Yavi. "Ngayon lang, Kasama ko pa siya nung nalaman naming patay na si Riyonza" sabi ni Lira. "Pano nakatakas si Loina?" Tanong ni Aires. "Sabi niya mag C'cr lang siya saglit tapos hindi na siya bumalik, tinignan ko sa Girls Restroom pero wala na siya duon" Nag papanic na sabi ni Lira. "Ahh" angal ni Aires ng masagi ni Charl ang kamay niya. Nilingon ko siya at nakitang dumudugo na ang kamay niya. "Aires, K

