Masarap ang tulog ni Andres, kaya naman kinuha ko na ang pagkakataon para mag-imbestiga. Hindi na ako pwedeng mag-relax na lang. Lumiliit na ang mundo ko at kailangan ko na malaman kung inosente ba siya. Success ang plano ko kagabi. I planned all of this. Kanina pa ako naghahalunkat dito sa library niya pero wala akong mahanap na kahit na ano. Paalis na sana ako nang may maapaakan ako sa karpet. Napaatrs pa ako bago ko tinanggal ang karpet. Nakita ko ang medyo nakauwang na tabla. Nakakapagtaka dahil buong bahay niya ay tiles. Kinapa ko iyon at nagulat ako nangumurong ang tabla. What the hell is this? Dahil sa curiosity ko, buong lakas kong itinulak iyon para bumukas. Bumungad sa akin ang hagdan pababa. Madilim doon kaya mabilis kong kinuha ang cellphone ko para buksan ang flashligh

