Katatapos lang ng meeting namin ni Calvin. Nandito pa rin ako Eve's Garden. Pinauna ko na si Calvin kahit na gusto niyang ihatid niya ko. May sarili akong kotse kaya hindi niya ako napilit pa. Isa pa, he is not my type. Kahit na pogi siya at mayaman. Kahit na kasing appeal niya si Andres, hindi ko pa rin siya bet. Ilang minuto pa ang inilagi ko nang mapagpasyahan kong lumabas na ng restaurant. Madilim na pala kaya naman minabuti ko nang kumilos ng mabilis. Papasok na ako ng kotse nang may magsalita sa likod ko. "So, you're still secretly meeting with him, huh?" sambit nito at nakita ko ang pagtango niya. "Andres? Anong ginagawa mo dito? Are you following me?" mataray na tanong ko nang makita ko siyang papalapit. "Are you dating him?" seryosong tanong niya habang nakatingin sa mga ma

