HTH 13

1444 Words
Dominique's POV "Ma'am, Chairman is in the meeting room," bungad ni Moira sa akin. Napatingin ako sa phone ko, wala siyang tawag o text man lang na pupunta siya. Naisipan kong punataha na lang siya agad. Hindi ko alam kung anong ipinunta niya dito pero sigurado akong alam na niya ang nangyari sa company. Nang makapasok ay naabutan ko si Dad na nakaupo sa upuan, nakatalikod siya sa pinto at nakaharap lang sa salamin sa labas. "Dad, pinatawag mo raw ako?" tanong ko bago ako pumasok pero hindi pa ako nakakaupo nang makita ko ang mag-inang impakta sa gilid. "What are you doing here?" tanong ko. Hindi sila sumagot at nanatili lamang na nakaupo sa sofa. "Kasama ko sila," sagot ni Dad bago ito tumingin sa aking ng seryoso. Hindi naman ako natinang sa titig niya. Seryoso rin akong tumingin sa kaniya. "What's the problem?" Tanong ko at inilapag ang phone ko sa table na mahaba. Nasa kabilang dulo si Dad kaya naman medyo malayo ang pagitan namin. "I heard about what Mr. Sy did," paunaang sambit niya. I knew it! Ito ang pinunta niya. "Dad, I can handle this," maiksing sagot ko habang nakatingin sa kaniya ng seryoso. Bumaling ako ng tingin sa mag-inang nasa gilid. Nakangiti ang anak niyang impakta kaya naman mas lalo akong nabwesit. "How can you handle this kind of situation, Dominique? This is a serious situation that you need to fix." Huminga ako ng malalim. "If I say, I can handle it, I will fix it. Hindi ako papayag na mawala si Mr. Sy." Seryoso ang bawat pagbigkas ko. "Paano mo maaayos kung nakapirma na si Mr. Sy sa ibang kompanya?" Nagulat ako sa sinabi ni Dad. Wala akong alam na umalis siya sa Amin para lumipat sa iba. "Don't tell me, you still don't know about this/ Wala ka nang balak ipaalam sa akin ang pang-alis niya, mabuti na lang at sinabi sa akin ng kapatid mo-" Tila nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya. "She's not my sister! How many times do I need to tell you that?" Iritadong sigaw ko. "She's Agape now, you need to accept that!" Hindi na ako nakareak pa dahil sa inis ko. Huminga ako ng malalim upang mapakalma ang sarili ko. "Mas maganda siguro kung ipasok ko si Krista dito para may katulong kang magpatakbo ng Legacy." "Gagawan ko ng paraan ang lahat ng mag-isa. Hindi ko kailangan ang tulong niya. I can handle this ALONE!" Umayos ng upo si Dad para humarap sa akin. "Dapat lang na maayos mo ito dahil buong kompanya aang nakasalalay dito." istriktong sagot niya. Alam ko naman na sobrang mahalaga nito sa kaniya. Buong buhay niya binuwis niya para lang lumago ang negosyo niya. Kayanaiintindihan ko rin ang pag-aalala niya sa Legacy. Pero hindi naman ako papayag na makatapak yang babaeng yan sa office ko. Kahit a panaginip, sisiguraduhin kong hindi siya makakaupo sa pwesto ko. "Dad, don't worry. I will fix this. Just give me time,"malumanay na sabi ko sa kaniya. "She's right, Honey. Bigyan mo siya ng oras, hindi rin madali ang trabaho nioya bilang CEO ng Legacy." This time nakisabat na Ang impaktang nanay ni Krista. Tinaasan ko lang siya ng kilay sa sinabi niya. Hindi porket kinampihan mo ko magiging mabait na ako sayo. Alam kong Plano nilang mag-ina ang patalsikin ako sa Legacy. "For sure magagawan ng paraan ni Dom yan, Daddy. Hindi ba, Dom?" tanong pa nito na animo'y close kami. "Shut up," sagot ko sa kaniya at tinarayan lang siya bago tumingin kay Dad. "I will set an appointment right away, Dad." Akamng aalis na ko nang magsalita si Dad. "I will give you a chance, but if you fail this time, I have no choice but to let your sister handle this one." Seryoso ang tingin niya sa akin kaya naman mas lalong uminit ang ulo ko. "Can you please stop mentioning that word, Dad? She's not my sister. She is just a daughter of your mistress," seryosong sambit ko. Tumingin ako sa mga mata niya na tila nagbabanta. Ayokong marinig ulit ang salitang iyon. Nasusuka ako sa tuwing babanggitin ni Dad na may kapatid akong impakta. Dahil s inis ko ay lumabas na ako ng meeting room. Narinig ko pa ang pagtawag ng kung sino sa akin pero hindi ko na iyon pinansin pa. Ayokong Ma-stress nang dahil lang sa kanila. Mabilis kong tinawagan si Khloe para matulungan niya ako. Nakausap ko si Moira at talagang ayaw ni Mr. Sy na makipag-usap sa akin. May nararamdaman akong hindi maganda. May kutob ako na may taong nagsulsol sa kaniya na umalis sa Legacy. Almost 20 percent ng shares niya ang nawala kaya naman sobra akong namomroblema kung paano ko siya makakausap na bumalik. Mabilis namang sumagot si Koko sa text ko. Papunta na siya galing sa office ni Kim. Ilang sandali pa ay nakarating na siya dito sa office ko. "What's wrong?" tanong nioya at umupo agad sa sofa matapos niyang ibaba ang gamit niya. "I need your help," sagot ko. SIya lang at si Kim ang kilala kong makakatulog sa akin. Dahil masyadong kilala si Kim pagdating sa business, alam kong makukumbinsi nila si Mr. Sy na makausap ko. "It's about Mr. Sy?" Nagulat naman ako nang banggitin niya iyon. Huwag niyang sabihin na kalat na ang pag-alis ng isang mayamang shareholders ng iba't-ibang kompanya sa Legacy? "Girl! Kim told me that, actually, I know kung bakit mo ako pinatawag. Kaya naman..." Hindi na niya tinapos ang sasabihin nang may kumatok sa office ko. Nagtataka ko siyang tiningnan. Ano na namang pakulo ito, Khloe Morgan? Pumasok si Kim a office ko kaya nagulat ako, hindi ko ito inaasahan. "Hi, Dominique! Kailangan mo raw ng tulong ko?" tanong ni Kim kaya naman napatingin ako kay Koko na tinaasan ako ng kilay sensyales na sabihin ko ang lahat ng kailangan ko sa ate niya. "You are my f*****g life saver, Koko!" Bago ako tumingin kay Kim. Umupo naman siya sa harap ng table ko at hinintay ang sasabihin ko. "I need to talk to him, Kim. But Mr. Sy always rejects all my appointments," panimula ko. "That's it? Don't worry, I can help you with that. Are you sure na yan lang ang kailangan mo? Ang makausap siya? Ayaw mo bang ako ang kumausap sa kaniya para sa legacy?" Huminga ako ng malalim. "No, Kim. That's all I need. I can handle him once na makausap ko siya. Ayokong malaman pa ni Dad na gumamit ako ng iba para sa Legacy," sagot ko naman. Napangiti si KIm. "Sure, my dear. I will tell my secretary na mag-set ng appointment with him. Just wait my calls and be ready, okay?" Nakahinga ako ng maluwag. Tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib sa sinabi ni Kim. "God! Ang swerte ko sa inyo!" ani ko at niyakap ko pa si Kim. "You are always welcome. Ang laking tulong mo rin sa amin. Gusto ko lang suklian ang lahat ng tulong ng Mommy mo." Nagpasalamat ako sa kanila, nagpaalam naman sila na may aasikasuhin pa si Kim at si Koko naman babalik sa office niya. Napasandal ako sa swivel chair. Last time nagkaproblema sa industry si Mrs. Morgan. Bumaba ang sales ng kompanya niya dahil doon. But my Mom helped them. She sacrificed her own company and money just to save Morgan's company. After that, they succeeded and tinulungan naman nila pabalik si Mom. Now, ang Morgan ang pinaka-powerful business family in town. Bukod sa business, nasa showbiz rin sila that's why kilala sila at tinatangkilik ng tao. And I'm happy with that, dahil for sure hindi makakatanggi si Mr. Sy na makausap ang isa sa pinakasikat na businesswoman. Maya-maya pa ay tumunog ang phone ko. Email iyon galing sa private investigator ko. May nahanap pa raw siyang posible evidence sa pagkamatay ni Tyra. Napatikom ang kamao ko nang makita ko ang picture. Lalong kumulo ang dugo ko sa nakita ko. Bigla ko naalala si Andres. I almost forget that I have a meeting with Andres. Ganon ba ako naging busy at nakalimutan kong may meeting kami? Unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi ko. May naisip na naman akong plano. Kailangan ko nang maisagawa iyon bago pa mahuli ang lahat. Inayos ko na ang table ko. It's almost 4:30 pm kaya naman mabilis na akong nagligpit ng gamit ko. Kailangan kong maghanda para mamaya sa meeting namin. Ayokong humarap ka Andres na mukha akong stress sa maghapon. I still have a time pa para makapag-ayos. Kaya naman nagmamadali na akong lumabas ng building at sumakay ng kotse ko. Na-itext na rin sa akin ni Moira ang place kung saan akami magkikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD