First Moment with Her

1012 Words
           Nagpaalam si Miguel na kukunin niya ang sasakyan sa parking lot, na nasa harap ng Unibersidad.            “Ma’am Grace, Hintayin ninyo nalang ako sa gate 2, kukunin ko ang sasakyan sa main gate, duon ko kasi iniiwan sa harap” paalam ni Miguel             Nag-suggest si Pinky na maglakad na lamang sila patungo sa main gate para hindi na mahirapan si Miguel, tutal hindi naman sila nag-mamadali at isa pa maaga pa naman sa oras na iyon, at ito ay sinang-ayunan naman nina Ma’am Grace at Joice. Naging masaya ang dinner party nila para kay Pinky, marami silang napag-usapan tungkol sa kani-kanilang buhay pamilya, naging interesting para kay Miguel ang buhay ni Pinky, open kasi ang dalaga, at very vocal ito tungkol sa kaniyang buhay, na ang kaniyang Ina ay isang OFW, at ang kanilang Tatay ay namatay nung siya ay mag-sasampung taong gulang, at dahil mga naikuwento ni Pinky lalo siyang nagustuhan ni Miguel. Halos alas otso nang gabi ng sila’y matapos sa kuwentuhan, baka gagabihin na sa paguwi si Pinky kaya hiniling at pinakiusapan ni Ma’am Grace si Miguel na ihatid niya si Pinky sa kanilang bahay, tutal naman ay iisa lang ang way nila.          “Naku! Nakakahiya naman po kay Miguel, ma’am Grace, baka makabala pa po ako sa kaniya” sabi ni Pinky            “Okay lang sa akin, same way din naman ako, aalukin sana kita na ihahatid na kita, naunahan lang ako ni ma’am Garce” sabi ni Miguel            “Sure ka? baka mahirapan ka sa pag-uwi mo” Pinky’s asked            “Oo naman, ikaw pa! para Makita ko din kung saan ka nakatira”            “Okay sige” nakangiting tugon ni Pinky            “Oo nga pala, baka magagalit sa akin ang boyfriend mo? Baka kasi suntukin nila ako kapag Nakita kong kasama kita? Miguel’s asked            “Ay oo nga no! ang kaso wala pa akong boyfriend at hindi pa ako nagka boyfriend” Pinky’s reply            “Sa ganda mong iyan, hindi ako makapaniwala!” tugon ni Miguel            “OO nga! Nag-promise kasi ako sa mom ko na, hindi muna ako magkakaroon ng boyfriend hangga’t hindi ako nakatatapos ng pag-aaral ko, maraming nanliligaw, pero hindi ko pinapansin, hindi pa kasi iyon ang priority ko, ang gusto ko matupad ang promise ko sa mama ko”            ‘Okay tama naman iyon, balak pa naman kitang ligawan’ bulong ni Miguel sa sarili.            “Ano iyon?” tanong ni Pinky            “wala ang sabi ko, ang ganda mo promise!”            “Bolero, ilang babae na kaya ang sinabihan mo niyan?”  Reply ni Pinky              Mabuti nalang at graduating na kami at mahigit isang buwan at kalahati nalang graduation na, siguro naman puwede na akong manligaw sa oras na iyon, sa ngayon makakabuti siguro na friend muna kami, ito ang laman ng isip ni Miguel sa mga oras na iyon.              Dumaan ang mga araw halos si Miguel ang kasama ni Pinky, tuwing uwian siya din ang kasakasama nito, mayroong pagkakataon na nag-cocommute lang sila, si Robert naman ay sa tuwing umaga lang niya nakakasama  sa office, kasi gabi na siya kung makauwi  working student kasi ito, simula alas dos ng hapon hanggang alas otso ng gabi ang klase ni Robert, mula Monday hanggang Saturday, minsan lamang siya magka day off sa work bilang office assistance.              Kaya madalas si Miguel ang palaging kasama ng dalaga, naging close silang dalawa sa loob ng maikling panahon, palagay ang loob ng dalaga kay Miguel, malambing kasi si Miguel, malalahanin  at nirerespeto siya bilang babae, hindi kailanman nag-take advantage si Miguel sa dalaga dahil ayaw niyang masira ang tiwala ng dalaga sa kanya, kaya doon siya hinangaan ng dalaga alam ni Pinky na mayaman sina Miguel at sila ang nagmamay-ari ng school, pero hindi pinaramdam ni Miguel ang agwat nila sa lipunan, sa ganoong panahon nahulog na ang loob nila sa isat-isa at alam nilang dalawa iyon.                Kaya lang matimbang kay Pinky ang promise niya sa nanay niya, kaya kahit alam ni Miguel na mayroon pagtingin sa kanya si Pinky mas pinili muna niyang maging friend sila. Natatakot kasi si Miguel na aminin ang kanyang pag-ibig kay Pinky, baka kasi i-reject siya nito, dahil hindi pa ito ang priority ng dalaga sa ngayon. Naging masaya lahat ng kanilang mga araw at gabi naging open ang kanilang communication na dalawa through call, chat at txt, madalas si Miguel sa bahay nila Pinky kaya naging close na rin si Miguel sa mga kapatid ni Pinky at botong-boto sila sa kanya, bayaw na nga ang tawag sa kanya ng kapatid na lalaki ni Pinky at kuya naman ang tawag sa kanya ng dalawang kapatid na babae ni Pinky.          Isang araw ay nagpaalam si Pinky kay Miguel na hindi siya makakapasok sa OJT niya, dahil mayroon silang importanteng gagawin sa kanilang school, kailangan nilang ayusin ang kanilang mga requirements dahil sa graduating na nga ito.            “Miguel, Oo nga pala! Hindi ako makakapasok bukas (Friday), mayroon kaming gagawing importante sa school, aayusin namin ang requirements, lahat ng graduating students.”            “Ganun ba? Gusto mo bang samahan kita?” tanong ni Miguel            “Naku huwag na ayaw kong maging dahilan na aabsent ka sa klase mo! Huwag mong gagawin iyon at isa pa magkikita pa naman tayo the other day, ng Saturday. Hindi din naman tayo makakapag-usap ng maayos doon, dahil magiging siguradong busy ako, baka lumabas din kami ng mga classmate ko after, nag-aaya kasi sila ilang linggo din kaming hindi nagkikita eh”            “Sige! Ikaw ang bahala, mamimis lang naman kita”, bulong ni Miguel sa sarili. Pero narinig ito ng dalaga, kaya ang reply niyang pabiro ay:            “Ako din naman eh, hehehe”            “Okay sige, Ingat ka nalang ha, tawagan mo nalang ako o kaya I Chat kung papasundo ka”            “Naku! Oo nga pala! Speaking of cellphone samahan mo ako sa Saturday, pagagawa ko ang phone ko nasira kasi, kaya hindi ako makakatawag at chat”            “Okay, copy”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD