Chapter 50 Kael's POV "Bumalik na po tayo sa beach resort, Sir, at nang masamahan na kita sa clinic at magamot..." kumbinsi nito sa akin sa ikasampong nang pagkakataon. Kanina pa niya ako po inaayang tumayo at lumakad na pero hindi niya ako napatayo-tayo rito sa kinauupuan ko. Kahit nagugutom na ay nagawa ko itong indahin. Umaasa akong sa matagal na pagpapalipas ko rito ay mabawasan man lang itong kakapalan ng mukha ko. Parang may nakadikit na makapal na ispalto sa mukha. Ang bigat-bigat na may kasamang nakauurat na hapdi. "Sige na, Sir... Kahit kagat lang iyan ng mga bubuyog, delikado pa rin... Kailangang malagyan natin iyan ng ointment na akma riyan... Huwag po kayong mag-alala, hindi na po tayo dadaan sa dinaanan natin kanina... Maghahanap po tayo ng bagong daan..." "Diyos ko...

