Chapter 67 Bella's POV "Walang bawian? Totohanan?" ngingiti-ngiti nitong magkasunod na tanong. Unang tingin ko pa lang kay Kael noon, may naramdaman na akong kakaiba. Kahit sino naman talaga ay maa-attract dito pero nakasusuya ang karisma nito. Iyon ang eksaktong term na lumitaw sa isip ko noon. First time ko siyang makita sa malaking build board nito sa Clevin store. Pero marami akong mga naipatiunang maling akala tungkol dito. Binabawi ko na ang sinabi kong iyon. Habang patagal nang patagal mo itong nakakasama at nakikilala, mas lalo kang naa-attach dito. Ang mga ngiti, ngisi, tawa at tinig nito ay hahanap-hanapin mo. Napagtanto ko iyon nang magbago ang pakikitungo nito sa akin. Hahanap-hanapin mo nga talaga ito kapag biglang nawala o biglang nagbago. Habang pinagmamasdan ko siya ng

