Chapter 41 Bella's POV Napaitlag ako nang biglang mabulabog si Sir Kael sa kinauupuan nang tumunog ang cellphone sa bulsa nito. Salamat sa tumawag dahil kahit papaano ay nagawa nitong agawin ang atensiyon nitong buong-buong nakatuon sa akin kanina. My eyes moved downward and made a simple yet sharp glance at his phone. Na-confirmed kong ang ina nito ang tumatawag base sa naka-flash na name sa mamahalin nitong cellphone Pinagdalawang-isipan pa niya kung sasagutin niya ito o hindi dahil sa maya't maya nitong pagtapon ng tingin sa akin. "Sagutin n'yo na lang po," encourage ko sa kaniya nang kahit papaano, sa pag-alis niya pansamantala ay makahinga naman ako nang maayos. Kanina pa ako nauubusan ng hangin dahil sa pagiging diretso nito sa inaalok nitong s*x sa akin. Gusto ko siyang sampali

