Chapter 104 Bella's POV "Matagal ko nang alam, ate, pero alang-alang din sa iyo ay hindi ako nagtatanong o nagre-react. Tuwing pumupunta ang lalaking iyon sa bahay, alam ko na kung ano ang pakay niya... Paulit-ulit lang naman na ikaw ang pakay niya, eh... At nahahalata rin naman namin sa mga kilos, mga tingin, at mga sinasabi niya sa iyo... Walang maililihim sa mga galawan niya. Lantarang pinapakita niya na mahal kaniya, ate..." si Iza makalipas pa ang ilang sandali. "Pero bakit kaya nandidito ngayon? Bakit siya kasama? Babalik pa siya, hindi ba?" Alam ni Lord na gustung-gusto ko siyang sagutin pero nahihirapan lang talaga ako sa ngayon. Pero dahil ang tagal na rin niyang nagtiis, aaminin ko na lahat sa kaniya. "Oo, Iza... Iyon ang susunod. Wala namang bago roon sa alam ko. Gusto niya

