Chapter 30 Kael's POV Kanina pa ako nagpapaikot-ikot dito sa direksiyong itinuro sa akin ng bodyguard. Ito raw ang daang tinahak ni Bella kanina paalis. Gusto kong matawa sa sarili ko. Umaasang akong nandito pa siya pagkatapos ng nangyari sa opisina kanina. Pinagsasapak ko ang manibela sa harapan ko bago ko tinanggap ang katotohanang hindi ko na talaga siya mahahagilap dito. Iniliko ko ang sasakyan ko nang makarating ako rito sa kanto. Tinatahak ko na ngayon ang daan pauwi ng bahay namin. Saktong umiyak pa ang kalangitan at sumunod na tumugtog ang isang malungkot na tugtog sa playlist ko. Pinagsisisihan ko tuloy ang ginawa kong pag-connect ng cellphone ko sa speaker ko rito sa sasakyan. Kulong na kulong ang kanta. Damang-dama ko kahit hindi naman dapat. Nakarating na rin yata hanggang

