Chapter 62 Kael's POV Umamba pa ito ng isang sapak pero mabilis kong iniligan. "Wait lang nga!" tawang-tawa kong sabi. Binitiwan ko ang gagamutin ko sanang hita niya at basta na lang umupo rito sa sahig. In Fowler's position pero nakasuporta ang mga kamay at mga braso ko sa likuran ko. Ginawa ko ito para magkaroon kami ng distansiya sa isa't isa, para hindi niya ako maabot kung sakaling magdilim ang paningin nito. Itinaas ko ang isang kamay ko at idinapo sa ibabaw ng tiyan ko. Nanaakit itong tiyan ko sa katatawa. Tuwing binabalikan ko ang mukha ni Bella ay iyong tahong niya ang nakikita ko. I'm bad but feels good too. "Putangina, ako na nga itong concern ako pa makatitikim ng hampas, ah..." tawa ko. "I just said what I saw, Bella... Ano ba ang masama roon?" Ayaw ko siyang tingnan.

