Chapter 65 Bella's POV Iyong pakiramdam na may boyfriend ako pero parang wala... Wala sa malay akong napatingin sa banda kung saan ko madalas tanawin si Kael. Dito sa parteng ito ko lang siya malayang napagmamasdan tuwing nasa loob ito ng opisina. Pribado ang iyon at hindi basta-basta nakapapasok ang kung sinu-sino, kahit pa ako na girlfriend at secretary niya. Papanhik lang ako roon kapag may abiso mula sa kaniya o hindi kaya ay may emergency. Sa pahabang glass wall, na ka-level ko lang kapag nakaupo, ako sumisilip. Sa ibang bahagi na nito ay blurred na. Nakaupo ako rito sa labas, malapit lang sa office niya. May sarili akong opisina sa loob ng office niya pero dahil nga nag-iba ang pakikitungo nito sa akin simula nang bumalik kami sa trabaho ay idinestansiya ko na rin ang sarili. Hi

