Chapter 58 Kael's POV "Matulog na lang po kayo, Sir, nang maaga..." anito matapos ko itong ayain ng movie marathon. Ang lakas ng loob kong mag-aya pero wala naman talaga akong alam na mga magagandang movies. Hindi ko hilig ang manood. Wala akong time sa dami kong pinagkakaabalahan sa buhay. Kung papaunlakan man niya akong manood kami ay ang mga bold videos sa cell phone ko lang ang magiging choice namin. Nakatatawa pero iyon talaga ang marami ako. Lalaki, eh. Walang lalaking walang ganoon sa phone. "Hindi ka rin mahilig manood?" "Hindi rin. Hindi ko maharap, eh... Tambak ako ng mga trabaho sa araw-araw..." "Hmmm... Saglit lang naman tayong manonood... Thirty minutes lang..." Kumuno-noo ito. "Walang movie na ganoon kaiksi, Sir..." Wala nga. Hindi naman kasi movie iyong nasa utak ko

