Chapter 53 Bella's POV "Gusto kong mabantayan ang kondisyon ni Sir Kael," wika ni Lola Suling out of nowhere. "Kung sa cottage siya magpapagaling, walang magbabantay sa kaniya roon. Walang mag-aabot ng mga kailangan niya dahil nga nakahiwalay ang cottage niya sa mga cottages ng mga kaibigan niya. Mag-isa lang yata niyang napadpad sa hilaga, eh... Paano, siya lang daw ang walang kasamang girlfriend..." Mayroon naman kasi iyong fiance niya. Ewan at hindi niya isinama. Ipinagpatuloy ko ang pagkain. May isang oras na ang lumipas matapos ang ginawang pagsugod sa ospital kay Kael. Mula umaga ay ito pa lang ang kain ko. Hindi ko malasahan ang itong mga pagkain dahil nag-aalala pa rin ako rito. Minsan pa lang kasing tumatawag ang mga kaibigan niya. "Plano kong dito muna patuluyin sa bahay ang

