Chapter 102 Bella's POV "Ate, ang dami kong mga tanong sa iyon na pinipigilan ko lang na itanong sa iyo. Gusto ko na lang tanggapin itong nangyayari pero nahihirapan pa rin ako... Ate, wala pa tayong closure tungkol dito..." Ramdam ko iyong hinanakit at pagkalito sa tinig niya. Wala man lang akong magawa para maibsan ang nararamdaman niyang mga iyon ngayon. Nagawa ko na ang lahat para malayo kami sa puntong ito pero talagang dito rin ang bagsak namin. Hindi na nga naman siya bata para paglihiman ko pa o pagpalusutan. Sa edad niya ay may karapatan na siyang malaman kung ano ang mga nangyayari ngayon. Dinedemand ng mga mata niya iyong mga kompirmasyong natatakot pa rin akong ipaliwanag dito. Ilang araw na rin siyang hindi pumapasok kaya sino naman ang hindi mapapatanong. "Hmmm... Iza...

