Chapter 100 Kael's POV "Huwag mo nang subukang tumakas pa ulit o kung ano pa man ang tawag sa ginawa mo, Solenn," banta ko rito nang mapansin kong tila bumubuwelo itong talikuran ako. "Hindi ka na makawawala pa. Gusto mong ma-postpone na naman ito? Sorry but we are ending..." "Huh!" pasinghal naman nitong singhap. Nag-uumpisa rin itong maging mapaglaro. Siguro ay nasagad ko na rin ito nang tuluyan kaya ganito na ang pinapakita niya sa akin. "You want my truth?" Tumaas ang pulido nitong kaliwang kilay at nginisahan pa ako nang nakaloloko. "I want to stay in this arrange marriage!" walang patumpik-tumpik nitong hiyaw na ikinalingon tuloy ng mga staffs at iilang mga costumers na naka-dine. "Well... kung nasabi mo na ang mga gusto mong sabihin, ako naman ngayon!" Umigting ang panga ko sa n

