Maaga akong gumising para tulungan ko si Nanay Lory na magpakain ng manok at baboy.Si Tatay Jun naman umalis ito dahil tag ani daw ng maisan sa Hacienda.Nag sabi din si Nanay Lory na pupunta din siya sa Hacienda. "Samahan ko po kayo,Nay"saad ko dito. Gumayak na ako,Nag suot lang ako ng short at T-shirt saka pinarisan ko ito ng rubber shoes.Dumaan lang kami saglit sa Mansion at pumunta na kami sa Maisan. Maraming mga kalalakihan ang tumutulong sa pag aani ng Mais at meron din mani na hinuhukay nila ito.Nakita ko si Lance at kasama nito si Melanie.Napatingin ang mga kalalakihan sa amin ni Nanay Lory, parang natulala pa sila. Narinig ko na sumigaw si Nery.Tinatawag niya ako,nandoon sila sa maliit na kubo. "Ann,buti sumama ka kay Aling Nery"masayang sabi ni Nery . Ngumiti lang ako dito.N

