Naghiwalay ang kuya ko at si Cassy,dahil daw magpapakasal si Cassy kay Ulysses,ang tuwa naman ng kaibigan ko ,hindi niya alam nasaktan naman ang kuya Ross ko,its okay buhay naman niya yun.Sa una pa lang alam naman ng kuya ko na hindi masyado seryoso sa buhay si Cassy. Ngayong araw ang alis ko.Dala dala ko lang mga importanteng gamit ko.Dinala ko na rin ang kotse ko,at pati kaunting cash.Susunduin daw ako ni Nanay Lory at Tatay Jun sa pier. Nang sa Batangas port na ako nag text ako kay mommy na magbabakasyon ako atvkay daddy, sila na bahala na magkwento sa mga kuya ko.Umiyak pa si mommy pero sabi ko Kailangan ko muna magrelax which is yun naman talaga. Dalawang oras din ang biyahe ng barko bago nakarating sa pantalan ng Mindoro.Nandito ako sa kotse ko habang hinihintay na umibis lahat ng

