“Pumunta na tayo sa ospital, Callynn,” pangungulit ni Macarius sa kaniya. “Hindi na ako natutuwa dahil ilang araw ka nang sumusuka kaya halika na.” “Tinatamad akong maglakad,” sagot niya. Dikit na dikit ang katamaran sa katawan niya. Ayaw niya talagang bumangon dahil sobrang bigat ng pakiramdam niya. “Sino ba ang nagsabi sa iyo na maglalakad tayo? Susunduin tayo ni Jordan dito at doon tayo sa sasakyan niya sasakay papuntang hospital.” “May kilala ka bang doctor, Macarius?” biro niyang tanong sa lalaking problemado dahil ilang na itong nakabantay lang sa kaniya. “Papuntahin mo na lang kaya rito. Ang sama talaga kasi ng pakiramdam ko, eh.” Itinaas niya ang suot niyang damit. “Tingnan mo.” Ipinakita niya rito ang dalawa niyang dibdib na medyo namamaga na rin sa hindi niya malamang dahil

