“What? Do you mean, sinabi ni Jordan sa iyo na naaksidente ako kaya ka nagagalit sa akin ngayon? ‘Yon ba ang dahilan?” naguguluhan na tanong ni Macarius sa kaniya. “Pero, wala naman akong sinasabi na ganoon! Wala naman akong iniutos sa kaniya na sabihin sa iyo na naaksidente ako dahil hindi naman 'yon totoo!” “So, ano ‘to? Prank lang ‘to, ganoon ba? Kailan ka pa natutong mag-prank? Alam mong galit na galit ako sa mga ganoon, 'di ba? Paano kung namatay ako kanina?” Matalim nitong nilingon si Jordan na nakaupo na sa lamesa at mag-isang kumakain na animo’y gutom na gutom. “Jordan, what the hell! What did you say to her?” “Hay naku! Mamaya mo na ako tanungin dahil kumakain pa ako, Mavi,” walang pakialam na sabi nito habang tuloy-tuloy pa rin sa pagsubo. “Oh, kayo? Hindi pa ba kayo kakain?

