Dalawang lalaki Mga batang naghahabulan sa dalampasigan ng dagat ang siyang unang nagpangiti sa akin. Nang unang tapak palang namin sa puting buhangin. Nakasuot akong white shirt at sa loob nito ang two piece na pinahiram sa akin ni Melissa. Tumayo ako at inayos ang payong na nagsisilbi kong panangga sa mainit na sikat ng araw. Ilang sun block lotion yata ang mauubos ni Sasha dahil waal siyang tigil sa paglagay nito lalo na sa kanyang mga hita. Sa kabilang banda ay dumating ang magpinsan na sina Marcus at Yuan. Parehas silang nakashades habang umiinom ng dala nilang buko juice. Karamihan ng babaeng dumaraan sa aming harapan ay napapatingin sa kanila. May ilan sa mga babae ang nagtangkang kunin ang number ng dalawa. Gano'n pa man ay ngiti lang ang ginawad ni Marcus. Samantalang si Yuan

