Sabay-sabay na kumakain ng hapunan sina Alice, Susie at Teman. Nagsasalita si Alice at ikini-kuwento ang napanood niyang palabas sa telebisyon habang si Susie naman ay tuloy-tuloy ang pag subo ng niluta niyang kare-kare na tila hindi nakikinig sa madaldal na kapatid. Si Teman naman ay iniisip pa rin ang kaibigan dahil sa pagbabago ng ugali nito. Hanggang ngayon kasi ay hindi niya pa rin alam ang maaaring dahilan ng pagbabago ng ugali nito dahil sa pagkakaalam niya ay wala siyang ginawang masama rito. Tulala siyang kumakain at hindi umiimik kaya napatingin sa kaniya ang kaniyang inang si Susie. “Emman, may problema ka ba?” tanong nito sa anak, “kanina ka pa nakatulala riyan” “Wala ma, pagod lang ho” malumanay na sagot ni Teman na halatang malungkot. “Tapusin mo na ‘yang kinakain mo tapos

