Deccan Luft’s Pov (Knight of Air) Hindi naman mahirap ang pinapagawa sa akin nila Zeal. Higit itong mas madali dahil wala naman akong ibang gagawin kundi ang lumipad hanggang sa marating ko ang kabilang dulo ng border. Well, I am the Knight of Air so I can fly pero hindi naman ganoon kataas ang inililipad ko ngayon dahil ang sabi ni Chrylei ay maraming flying magical at sacred beast sa rehiyong ito na posibleng maka-detect sa akin at baka habulin pa ako. Sinabi din kasi nila na hangga’t maaari ay umiwas ako sa kahit anong laban nang sa gayon ay makabalik agad ako sa camp. Plano kasi naming magtagal dito ng mga ilang buwan para masugid ang buong rehiyon dahil ayon kay Chrylei, maraming underground ruins dito na ginamit noon ng mga Santillan bilang taguan ng kanilang kayamanan. May mga

