Chrylei Criox’s Pov (Knight of Shield) “Hindi ko alam na may ganitong side ka pala, Chrylei.” mangiyak-ngiyak na sabi ni Aimur matapos kaming ibaba ni Zeal mula sa tuktok ng palasyo. Hindi ko naman kasi alam na takot pala siya sa mga matataas na lugar pero dahil kailangan talaga naming malinis ang loob ng palasyo ay tinakot ko siyang bibitawan ni Zeal kapag hindi niya isinantabi ang takot. Para mapabilis kasi ang paglilinis ay binalot ko ng shield ang buong palasyo na para bang inilagay namin ito sa isang fish bowl pagkuwa’y pinuno namin ng tubig ni Aimur ang loob. Pagkatapos noon ay unti-unti naming d-in-rain ang tubig sa ilalim. Ginamit naman ni Zeal ang apoy niya upang patuyuin ang loob nito. Oh, di ba? Instant cleaning method. “Sorry na, Aimur.” Ginulo ko ang bu

