Chrylei Criox’s Pov Aside from getting back my memories as Snow White, I also got back my enhanced senses that’s why I immediately surrounded all of our carriage with shield as soon as we reached the border to the Sande Region. Ang tensyon na nararamdaman ko sa rehiyong ito ay higit na mas malala kumpara sa kung ano ang mayroon sa Zeki Region. “I had bad feelings about this place.” Iginala ko ang aking tingin sa paligid. “Sa tingin mo ba ay may mga susugod sa atin dito?” tanong ni Faero na naka-alerto na din sa paligid. “Hindi ko alam.” sabi ko. “Pero tulad ng sinabi mo noong nakaraan, magsisimula nang habulin ng panganib ang buhay ko.” Bumaling siya sa akin. “Anong ibig mong sabihin?” “Alam ng mga Elders ang posibilidad na bumalik si Snow White kaya tinipon

