Chrylei Criox’s Pov Tahimik ang lahat. Nakikiramdam sa kung ano ang magaganap ngayong tinatahak na namin ang daan ng Zeki Region. At hindi kalayuan sa amin ang b****a ng gubat na sinasabing tinitirhan ng ilang mapanganib na sacred beast. Nasa itaas pa din ng karwahe si Zeal at nagsisilbing taga-bantay kung sakaling may sasalakay sa amin. At kahit nakakaramdam na din ako ng kaba ay sinisiguro kong hindi ako mawawalan ng concentration para sa shield na bumabalot sa amin. Medyo mahirap din gumagalaw ang pinoprotektahan ng shield. Sa tingin ko nga ay kung hindi ako tinutulungan ni Zenia ay siguradong kanina pa naubos ang enerhiya na nasa singsing ko. “Here they come.” mahinang sambit ni Cali. Sa tulong ng mga puno sa paligid ay kanina pa niya binabantayan ang paligid namin. “s**t! It’s

