Chrylei Criox’s Pov Muli na kaming nagpatuloy sa paglalakbay. Ilang village din ang aming nadaanan kaya nakapamili kami ng mga dagdag na pagkain na aming mababaon dahil malayo-layo pa din ang aming lalakbayin upang makarating sa dulo ng Atlas Region. Ang sunod na rehiyon kasi na aming pupuntahan ay hindi pa naisusulat sa mapa at hindi pa din napupuntahan ng kahit sino. Wala pa din kaming kahit anong impormasyon tungkol doon at ang tanging knight na sumusubaybay doon mula sa border ay doon na namin kikitain upang malaman ang mga bagay na dapat naming asahan. At ngayon nga ay nagpasya kaming tumigil muna sa syudad ng Agon. Hindi nalalayo ang itsura ng Agon sa Antlers. May nagtataasan din itong mga gusali at iba’t-ibang establisyemento ngunit hindi ganoon kadami ang nanini

