Masaya akong naglakad pabalik ng library dahil naroon pa ang ilang mga gamit ko. Matapos ko kasing makiusap kay Akane ay agad din akong umalis dahil baka makita pa ako ng mga kaklase ko sa cafeteria lalo na’t patapos na din ang training nila. Ngunit natigil ako sa paglalakad nang makita ang estatwa na nasa gitna ng fountain sa garden. Bigla kong naalala si Red na ilang araw na ding hindi nagpapakita o nagpaparamdam sa akin. Gusto ko na nga siyang hanapin pero naisip ko na baka hindi pa din niya ako gustong makita. O baka masyado pa siyang maraming ginagawa at ayoko namang makaabala kung sakali. Nilapitan ko ang estatwa at tinitigan ang blangko nitong mukha. “Sino ka ba talaga? Bakit pakiramdam ko ay kilalang-kilala kita? Anong koneskyon mo sa akin.” Naisipan kong tumungtong sa gilid

