Chapter 21

1288 Words

Chrylei Criox’s Pov   “Eh? Siya nga si Flame Red?” hindi makapaniwalang sambit ni Aimur matapos kong sabihin sa kanila ang ipinagtapat sa akin ni Red kagabi.   Naikwento ko din kasi sa kanila na hinihintay ako nito malapit sa aking tahanan at sinabi ko ang mga napag-usapan namin.   “At pagkatapos niyang sabihin iyon, umalis nalang siya bigla?”   Tumango ako. “Para siyang bula na bigla nalang naglaho sa paningin ko.”   “Siguro ay gumamit siya ng teleportation na hindi na niya kailangang itago sa iyo dahil alam mo nang kabilang siya sa Kiseki Nine o Sacred Cross.” sambit ni Faero. “Pero ang misteryoso talaga ng lalaking iyon noh. Nagawa niyang maitago ang lahat ng tungkol sa kanya nang hindi man lang natin nalalaman.”   Bumaling ako kay Zeal. “Hindi mo din ba iyon napansin?”  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD