Chyrlei Criox’s Pov Makalipas ang dalawang araw ay narating na din namin ang tabing-dagat ng Lemry at hindi na nakapagtataka na tuwang-tuwa ang mga kasama ko dahil bihira lang din silang makarating sa ganitong lugar. Kaya’t nagdesisyon ang lahat na maligo muna sa dagat bago pumunta sa mismong tahanan ni Mare upang masulit ang aming pagpunta dito. At dahil madalas naman akong makaligo sa dagat noon ay nagpresinta na lamang akong magluto ng aming makakain habang nagsasaya ang iba. “Bakit hindi ka nakikisaya sa kanila?” tanong ko kay Zeal na nakahiga lamang sa bunganinan at nakapikit. “Hindi ba’t bihira ka lang ding makalabas ng Antlers?” Umiling siya. “Lingid sa kaalaman ng iba, madalas akong lumabas ng Antlers.” “Eh?” Dumilat siya at bumaling sa akin. “Kaya nga n

