Chrylei Criox’s Pov Matapos makakain ay agad nang nagpahinga ang lahat dahil maaga din kaming aalis dito bukas. Hindi naman kasi kami maaaring magtagal dito dahil sa pangamba na baka makasalubong kami ng isang furry. At walang sinuman sa amin ang may kakayahang tapatan ang ganoong klaseng nilalang. Aminado sina Faero at Zeal na maging siya ay hindi din kaya ito dahil kakaiba ang apoy na ginagamit nito. Kaya mas mabuting iwasan na lamang namin ito. Tahimik na ang paligid. Karamihan sa amin ay natutulog niya ngunit ang ilan ay siyang nakatalaga para magbantay hanggang mamayang madaling araw. At hindi man ako kasali sa mga magbabantay ay gising pa din ako. Hindi ako makatulog kaya naman nakatitig lang ako sa maliit na apoy na aming ginawa upang magsilbing liwan

