Kiko's POV Kinabukasan ay umuwi rin kami ng kapatid kong si Dein sa boarding house. Pagkatapos ang huling examine ng doktor sa akin at nakitang wala namang ibang damage sa katawan ko particular sa aking ulo ay pinauwi na rin ako ng doctor ko. They also advised me to get rest and not do heavy work. Pagdating namin sa boarding house ay walang katao tao. Tanging ang caretaker lang namin ang nandoon para pagbuksan kami. Nasa trabaho pa siguro ang mga kasama ko sa bahay kung kaya walang tao. Pagkatapos kaming pagbuksan ng bahay ay umalis din agad ito. Dumeretso kami sa loob ng kwarto dala ni Dein ang mga gamit ko. Pagpasok sa loob ng room ay agad sinara ni Dein ang pinto at pinakatitigan ako. Napansin ko naman iyon at tinitigan siya ng may pagtataka. "May problema ba Dein?" panimula ko

