Palabas na kami ng building ng makakuha ng buwelo si Caloy na mag ingay ulit.
"Muntik na tayo doon ah."
"Anong tayo? Ikaw lang. Kita mo na Caloy dahil sa ka preskohan mo muntik pa tayong hindi matanggap sa trabaho. Pasalamat ka mabait ang doktora. Kung hindi, patay tayo. Kahit kailan talaga pahamak yang mga mata mo."
"Ay wow ang hursh ng bibig mo p're." Reklamo niya na parang nasasaktan.
"Bakit? Totoo naman ah. Ang akala mo kasi lahat ng babae nahuhumaling sa'yo. Dapat kasi ilugar mo din yung pagiging kalog mo. Hindi lahat ng tao nakipag biro sayo at hindi lahat ng tao ay pwede mong biruin." Sagot ko.
"Oo na, pasensya na p're. Hindi na mauulit." hinging paumanhin niya.
Magka angkas kami ng motor pauwi. Binilhan ako ni tatay ng motor ng malaman niya na nakapasa ako sa board exam. Para raw may magamit ako papasok sa trabaho.
Sa bahay na kami dumeretso, mag lalakad na lang si Caloy pauwi ilang kanto lang naman ang layo ng bahay nila sa bahay namin. Pumasok kami ng bahay at naabutan si Dein na nagsusulat sa aming maliit na sala.
"Dein ang Itay at Inay?" tanong ko sa kanya.
"Si Tatay po kuya nasa niyogan pa. Si Inay nasa palengke baka malapit na umuwi 'yon kuya." sagot ni Dein.
"Sakto namalengke pala ang nanay mo p're." singit ni Caloy.
"So?" taas kilay na sagot ni Dein kay Caloy.
"Makiki kain ako." diretsong sagot ni Caloy at naupo na sa sala.
"Tsk, may bahay naman sila bakit di s'ya doon kumain." bulong ni Dein ngunit narinig ko naman.
"Hoy Muning, lakasan mo naman bulong ka ng bulong dyan." tukso ni Caloy sa kapatid ko.
"Sabi ko, gwapo ka sana kaso bingi ka na nga sira ulo ka pas!?" singhal ng kapatid ko kay Caloy.
Nagkibit balikat na lang ako at iniwan sila sa sala habang nag babangayan. Inis na inis si Dein kapag tinawag siyang Muning ni Caloy. Mukha daw siyang pusa kapag ngumingiti dahil nagkakaroon ng malalim na guhit ang pisngii niya kapag naka ngiti o tumatawa. But i found it cute. I think that is one of my sister's assets. Meron din naman akong ganu'n hindi nga lang kasing lalim ng kay Dein. Everytime na nagsusumbong siya sa akin tungkol sa panunukso ni Caloy i always said that the line on her cheeks makes her more beautiful and I mean it.
Ang mga kapatid ko ay masyadong malapit sa akin lalo na si Kristene. It's not that she is the youngest, but she is more sweeter than Dein. Mas bibo siya kumpara kay Dein. Dein is a serious type maybe namana niya sa akin. Palangiti si Kristine at pala kaibigan din unlike Dein na pili lang sinasamahan. Lagi niyang pina alalahanan si Kristine na huwag basta-basta magtitiwala sa ibang tao.
My sisters are very open to me. They share their secrets to me even their crushes. I saw how they blush every time they talk about their crushes. Nakikinig ako sa mga rants nila about sa studies and some other issues happens in their surroundings. As their brother I also keep on reminding them that studies must be their first priority before having a relationship. They agreed. So far wala pa naman akong nakikita or napansin na nagpapalipad hangin sa mga kapatid ko. Lagi kong sinasabi sa kanila na may tamang oras para sa mga bagay na 'yan.
Hindi ko sila pipigilang makipagrelasyon but they need to graduate first. That's my father's number one rule.
Matapos kong magbihis ay lumabas na ako sa aking silid. Himala at tahimik na ang dalawang nag babangayan kanina nang iwan ko sila.
May tumigil na traysikel sa harap ng bahay. Lumabas ako para tingnan kung sino ang dumating. Si Inay pala na galing sa palengke. Agad kong binuksan ang gate para kunin ang mga pinamili niya.
"O anak, kumusta ang lakad niyo ni Caloy?" tanong ng aking Ina.
Papasok kami ng bahay ng bumati si Caloy kay Inay. Tinanguan lang ito ni Inay at pumasok na kami sa kusina dala ang kanyang pinamili sa palengke.
"Ok naman po Inay, magsisimula na po kami ni Caloy bukas." Sagot ko habang papasok ng kusina.
"Talaga? Aba'y salamat sa Diyos kung ganun anak. Masaya ako para sa iyo. Sa inyo pala ni Caloy." masayang bati ni Inay.
Niyakap ko ang Inay.
"Thank you po, unti-unting matutupad ang mga pangarap natin Inay. Makapag patayo din po tayo ng mas malaking bahay kapag kumita na po ako na medyo Malaki laki. " nakangiting turan ko sa aking Ina.
"Naku, huwag mong isipin ang bahay anak, ok pa naman ang bahay natin ang isipin mo ay ang sarili mo. Mag ipon ka para kapag dumating yung panahon na gusto mo ng bumuo ng sarili mong pamilya ay may sapat na pera ka para pantustos sa pamilya mo o 'di kaya mag ipon ka para balang araw kung gusto mong magtayo ng sarili mong negosyo may gagamitin ka anak."
Natawa ako sa tinuran ni Inay na ikina taas ng kilay niya. "Ano'ng nakakatawa anak?" Tanong niya ng may pagtataka.
"Eh Nay, ang advance mo mag isip. Wala pa nga akong girlfriend asawa na iniisip niyo." Sagot ko habang nagkakamot ng kilay. Tinulungan ko na si Inay na maghanda ng pananghalian. Ako na ang nag prisinta na magluto ng ulam. Dahil wala naman akong gagawin. Nagluto ako ng sinigang na hipon. Mukhang busy si Dein sa kanyang mga lessons. Malapit na rin kasi ang final exam nila. Kaya todo review siya.
Pagkatapos kung magluto ng ulam sinilip ko si Caloy sa may gawing sala. Nakakapag taka na tahimik na ito at hindi nakikipag bangayan ka Dein. Kung ang kapatid ko ay abala sa kanyang laptop ay abala din ang kaibigan ko sa pag titipa sa kanyang phone. May pangiti ngiti pa ang ungas. Marahil ay may bago na naman siyang ka chat kaya napapangiti s'ya.
Papalit palit yata ng ka chat si Caloy ngunit wala pa ni isang babae ang pinakilala niya sa akin mula noong hiniwalayan siya ng una niyang nobya way back on our college days. Naalala ko noon sinampal siya ni Stefanie dahil nahuli niyang may ka chat na ibang babae. Todo makaawa pa ang g*go ngunit hindi na siya pinansin pa ni Stefanie. Mabait si Stefanie sadyang makati lang ang kaibigan ko. Ilang beses din niya akong inireto sa mga ka kilala niya noon pero sadyang hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon. Gusto ko kapag nakipag relasyon ako secured na ako. Kapag nakapagtapos na ang mga kapatid ko at syempre kapag may ipon na. Wala pa rin naman akong babaeng natitipuhan. Maybe time will come and she will come at the right time.