Tila nanigas ang katawan ko. When i feel her hot lips into my cheek. Her lips was soft. Parang may kung anong nabuhay sa katawan ko. Ramdam ko ang mainit niyang braso na yumapos sa akin kahit pa may suot akong damit. This is all new to me. Dahil sa gulat ay napakapit ako sa balikat niya.I was about to pull her when I recognized her face. Hawak ko siya sa magkabilang balikat habang siya ay nakayakap pa rin ang mga braso sa aking balakang.
"J-jamila?" gulat na tanong ko. Nakatitig s'ya sa aking mukha at alangang ngumiti.
"Sorry, nagulat ba kita?" baliktanong n'ya. Pati ang pagsasalita ng tagalog ay tuwid niyang ginagawa. Hindi siya kababakasan ng accent ng mga banyaga. Napakaganda niya sa malapitan. Napabitaw ako sa paghawak sa kanyang balikat. Pakiramdam ko ay may kakaibang tensyong dumaloy sa mga ugat ko. Hindi ito ang unang beses na nakahawak ako ng babae pero kay Jamila ay kakaiba. Ito yata ang sinasabi nilang kuryente. 'Yong kakaibang attraction na nararamdaman mo kapag nakaharap mo na o nahawakan ang taong mahal mo.
Wait? Did I say that I love her? Sh*t
"Hey? You okay? Natulala ka na, alam kong maganda ako kaya wag mo na akong titigan baka matunaw ako." pagbibiro niya. Baliktad yata ang personalidad n'ya sa personal kumpara sa phone lang. Alam kong hindi siya nagyayabang, pinapagaang lang niya ang sitwasyon para hindi maging awkward.
Tumikhim ako para kumalma "Yes, nagulat lang ako, I thought mamaya pa ang dating mo. Nahuli yata ako ng dating pasensya kana." hinging paumanhin ko at napa kamot sa aking batok.
Agad naman siyang umiling "No, sakto lang ang dating mo napaaga lang ng konti ang dating ko." pagpapaliwanag niya habang ngumingiti. Hindi ko tuloy maiwasang titigan siya. Ang mga labi niyang mapupula, mga pantay na ngipin, perpektong hugis ng kanyang ilong, at mapungay na mga mata. Pinaglihi ba ito sa dyosa? Ni isa ay wala akong maipintas sa kanyang mukha. Professor ba talaga siya o model?
"Kumusta-" sabay naming bati sa isat-isa.
"Mauna-" sabay ulit kami. Kaya natawa siya. Hindi ko na rin mapigilang mahawa sa pagtawa dahil sadya nga namang nakakahawa ang mga ngiti niya.
"Ok, ladies first." sabi ko nang ako ang unang makabawi sa tawanan namin.
"By the way I'd like to personally introduce myself. I am Jamila Beltran, 26 years old. I'm from California USA." pagpapakilala niya sabay abot ng kanyang kanang kamay.
"I am Francisco Cortez 24 years old. I am an Engineer and working at Guerrero Construction Company. Nice to finally meet you Jamila." saad ko at inabot ang kanang kamay niya. Sobrang lambot ng palad niya. Bigla tuloy akong nahiya na baka sobrang gaspang ng kamay ko.
Kinuha ko sa kanya ang dala niyang back pack at maleta. Iginiya ko na siya palabas ng waiting area. Bigla akong natigil sa paglalakad ng yumapos ulit siya sa aking braso. Hanggang sa dumausdos ang palad niya pababa sa aking mga palad at pinagsiklop niya ang mga ito. Sandali kong tinitigan ang kanyang mukha ngunit parang normal sa kanya ang ginagawa niya. Pakiramdam ko ay parang totoong mag jowa talaga kami.
Napansin ko pa ang pasimpleng pag irap nya sa mga kababaihang nakatingin sa amin. Mukhang selosa ang isang 'to. Pero teka bakit parang gustong-gusto ng katawan ko ang ginagawa niya? Pati ang pag nguso niya kapag may napapatingin sa aking mga babae ay sadyang masarap sa pakiramdam. Lihim akong napamura. Ganito ba ang pakiramdam ng kinikilig?
"Saan kita ihahatid?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa parking area kung nasaan ang inarkila kong sasakyan.
"Can we eat first? Hindi pa kasi ako nag breakfast." nakangusong saad niya.
"Will you stop doing that?"
"What?" naguguluhan na tanong niya.
"Sabi ko tigilan mo 'yang pagnguso mo baka mahalikan kita." sagot ko. Nagulat siya sa tinuran ko. Mas lalong nagulat ako sa mga pinagsasabi ko. Mariin akong napapikit at mariing napamura dahil sa kahihiyan. " Im sorry, don't take it seriously. I'm just kidding." sabay tawa para hindi mahalata ang nerbyos na nararamdaman ko.
Naglakad siya palapit sa akin hanggang sa ilang pulgada na lang ang layo ng pagitan namin sa isa't-isa "Why, do you want to kiss me?" bulong niya. Dama ko ang init ng hininga. Ang amoy ng pabang niya ay nanuot sa aking ilong dahil sa sobrang lapit niya sa akin.
Tumikhim ako "L-later, ang daming tao dito pinagtitinginan tayo." alangang sabi ko. F*ck I think this girl is stubborn. Mukhang determinado siyang gawin ang mga bagay na gusto niyang gawin sa buhay! Sh*t ano ang pinasok ko. Ako yung nagbanta pero bakit bumalik sa akin ang pagbabanta.
"Hmmm, aatras ka din pala eh, next time huwag maghahamon." bulong niya ngunit dinig ko naman. Nailing na lamang ako habang pinagbubuksan ko siya ng kotse, at isa-isa namang inilagay ng driver ang mga bagahe ni Jamila sa likod ng sasakyan.
Nang makapasok ay tinanong ko siya kung saan niya gustong kumain. Sinabi naman niyang mag drive thru na lang kami sa isang fast food chain dahil baka maipit kami sa traffic. Ako na ang nag order para sa kanya. Kumain siya sa loob ng sasakyan. Inalok niya ako, tumanggi ako ngunit hindi siya nagpatinag at sinubuan pa rin ako ng burger. Wala akong nagawa kundi ibuka ang aking bibig. Sinabayan ko siya sa pagkain.
Nang nakarating na kami sa building kung saan ang condo na tuluyan niya ay isa-isa ko nang binaba ang mga bagahe niya katulong ang driver ng inarkila kong sasakyan. Paghatid sa amin ay umalis na ang sasakyan. Magko-commute na lang ako pauwi.
"Is this yours?" tanong ko tungkol sa condo na pinasukan namin.
"Yes, I bought this. Pinalinis ko na ito bago ako dumating." sagot n'ya habang binubuksan ito gamit ang card na binigay sa kanya ng receptionist "This is my cousin's unit, binenta niya sa akin dahil hindi na rin niya magagamit. Nakapag asawa na kasi at may sarili na silang bahay." paliwanag niya na ikinatango ko. Iginala ko ang aking paningin sa loob ng unit nang maibaba ko ng mga bagahe ni Jamila. Maayos naman ang condo at halatang bago pa. Kumpleto din ito ng gamit marahil ay kasamang ibinenta ito ng pinsan niya.
"Maiwan muna kita, I'll just take a quick shower." paalam niya.
"Anong gusto mong kainin? Pagluluto kita." tanong ko. Alam kong hindi ako masyadong magaling magluto pero gusto ko siyang pagsilbihan.
"Ikaw." sagot niya.
"Huh?" naguguluhan ako sa sagot niya at nakakunot ang noo ko.
Bigla siyang natawa "What I mean, Ikaw na ang bahala. Huwag mong bigyan ng ibang kahulugan 'yon. Pero ok lang kung ikaw ang kakainin ko hindi ka naman siguro nauubos agad." hirit ulit niya. Napaka pilya.
"Tsk, you're very naughty. Mag shower kana," taboy ko sa kanya. Natatawa pa rin siya papasok sa isang kwarto habang hila ang isa niyang maleta "Baka pagsisishan mo kapag ako ang kumain sayo." bulong ko habang naiiling na tinungo ang kusina ng unit niya.