Jamila Lumabas kami ng bahay ni Kiko at nakihalo sa mga bisita ni Lola. Ang mga imbitado ay pawang mga kaibigan at dati niyang katrabaho. Nagsidatingan rin ang mga kamag anak namin mula sa karatig barangay at bayan. Pagdating namin sa garden ni Lola kung saan nakahanda ang mga pagkain. Ang lahat ay nakaupo na sa kanya-kanya nilang table. Ang mga bisita kasama ang mga magulang ni Kiko. Kasunod naming dumating ang mga magulang ko. Ngiting-ngiti si Mommy, magkahawak kamay sila ni Daddy habang naglalakad. Salungat naman ang itsura ni Daddy dahil nakabusangot ito. I'm hoping na magbago ang pagtingin niya sa katauhan ni Kiko. Lumapit sila sa table namin at umupo. Ngumiti si Mom at kumaway kay Kiko, ngumiti naman si Kiko bilang ganti kay Mommy. Ang garden ni Lola ay tinayuan ng tent para mag

