Finale... "Kiko! Ano ba!? Anong oras na!?" sigaw ni Caloy sa kaibigang si Kiko. Panay ang lakad niya paroo't parito sa labas ng kwarto na inookupa ng binata. Hindi maitago ang kanyang iritasyon at pagkabagot dahil sa tagal ng paghihintay sa kaibigan. Nakailang balik na siya para tawagn ito ngunit hindi ito matapos tapos sa pagbibihis dahilan ng kanyang pagkainis. Ayaw na ayaw pa naman ni Caloy ang pinaghihintay siya ng matagal. "Nandiyan na!" sagot ni Kiko mula sa loob ng naka saradong pinto. Naka check in sila ngayon sa isang hotel na pag aari ng mga Guerrero dahil dito gaganapin ang reception ng kasal ni Kiko at Jamila. After ng pamamanhikan ay hindi natupad ang kagustuhan ng ama ni Jamila na magpakasal agad ang kanyang anak at si Kiko. Marami pang kailangan i-settle si Jamila sa Ca
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


