Hindi man lang ipinagluksa ni Bernice ang pagkamatay ni Gregorio. Sino pa ba ang magluluksa na kung sa lamay nito ay tila mga kabute na nagsulputan ang mga babaeng nabuntis nito? Nasaktan siya dahil tama pala ang sapantaha ng kakambal niya: na manloloko ang bansot na si Gregorio. Kung sino pa talaga ang kinapos sa pisikal na kaanyuan ay siya pa ang malakas ang loob na manloko ng di lang isa kundi apat na babae!
Para malibang at kaagad mawaglit ang pagtataksil ni Gregorio ay naisipan ni Bernice na pumasyal ng Boracay. Nag-iisa lang siya pero kahit ganun ang ginawa niya ay nag enjoy naman siya sa isang linggong bakasyon. Doon niya nakilala ang isang bokalista ng bandang “The Infinites”. Mellow rock ang madalas tugtugin ng banda at kuhang-kuha nila ang panlasa ni Bernice sa mga tinutugtog nila . Si Calvin Contreras na gabi-gabi kumakanta sa isang bar sa Boracay. Dahil sa isang request niyang kanta ay napalapit siya dito.
Nag-iisa siyang umiinom noon at nagrequest siya ng kantang “ After All “ng Chicago. Na-amuse ito sa kanya dahil nakiagaw siya sa microphone dahil gusto niyang makipag-duet. Palakpakan pa ang mga audience dahil medyo tipsy na siya pero sa pangkalahatan ay naitawid niya ang kanta at hindi naman siya na sintunado.
Pagkatapos ng gabing iyon ay gabi-gabi na siya sa bar at nag-aabang siya sa bawat tugtug ng banda. Para na siyang stalker ng banda at ng nalaman niyang naghahanap ang mga ito ng bagong manager at assistant na rin ay nagboluntaryo na siya.
Tuwang-tuwa ang pamilya ni Bernice lalo na ang kakambal ng bumalik siya galing sa bakasyon. Ang banda pala nila Calvin ay isang breakthrough band anim na buwan pa lang ang nakalipas. Kaya nagtitili ang baklang kambal ni Bernice.
“ I love you sister! Ikaw lang pala ang makapag papakilala sa pantasya namin mga kabaklaan!” tumalon-talon pa si Brendan at napapaypay sa sarili. “ Wait ibabalita ko ito sa aking mga amiga! Dapat ay magperform sila sa susunod na pageant na sasalihan ko! Dali sister isingit mo na ang schedule namin!”
Napailing na lang si Bernice sa kabaklaan ng kapatid. Totoo naman din ang sinabi nito. Sikat na ang “The Infinites” lalo na sa mga kabataan at kababaihan, mas lalo na sa mga kabaklaan. Suki na ang mga ito sa mga pageant.
Sa loob lamang ng tatlong buwan bilang Band Manager ay kung ilang Engagements na ang tinanggihan nila. Pero madalas kung sa mga bars lang ay nilalagari nila lalo na kung magkalapit lang naman. Naghire na sila ng bodyguard dahil kung saan man ang tugtugan ng banda ay tiyak may nakabuntot na rin na mga fans club.
Apat ang miyembro ng bandang “The Infinites”. Si Calvin ang main vocalist pero lahat sila ay kumakanta din naman. Si Stanley ang drummer, si Royce ang bassist at si Steffan ang sa keyboards. Lahat sila ay walang itulak-kabigin kung sa itsura lang din ang pag-babasehan kaya naman walang kaduda-duda ang pagkahumaling ng mga fans sa mga ito. Pulos din sila mga anak mayaman na siya pang nagpasidhi sa kagustuhan ng ibang mga fans na mapansin ng mga ito. Sa tuwina ay palaging maraming regalo na natatanggap ang mga ito. May chocolates, flowers, stuffed toys, love letter, sapatos , damit at kung ano pa. Lahat ng iyon ay nasa studio kung saan sila tumatambay para mag-ensayo.
Maging si Bernice ay halos walang pahinga. Dala-dalawa na nga ang kanyang cellphone para ma- accommodate ang lahat ng mga bookings ng mga ito.
Anim na buwan na siyang Manager ng banda at bawat miyembro ay close naman sa kanya pero iba ang closeness at pagiging sweet ni Calvin sa kanya. Isang araw ay bigla na lang ito umamin sa kanya. Nabigla siya sa naging pahayag ng binata at kaagad niyang tinanggihan.
“ Hindi ako nababagay sayo Calvin. You deserve someone better than me! I'm thrice widowed. Find someone who suits your social status and someone who has no dark past!” pagbibigay paliwanag niya dito.
“ Not unless you killed your three husbands Bernice, there is nothing wrong with you being widowed thrice. As you said, it's your past. You don't live there anymore. You deserve someone to make you happy!”
Ilang beses man tanggihan ni Bernice si Calvin sa huli ay naging magnobyo sila. Supportado naman sila ng mga kabanda ngunit itinago nila ang kanilang relasyon sa publiko para protektahan ang career ng banda. Ngunit naitago man nila ito sa publiko ay hindi sa pamilya ni Calvin. Isang araw ay may isang sopistikadang Ginang ang sumugod sa kanilang tambayan.
Kaagad nitong hinanap si Bernice at nang magpakilala siya ay isang malutong na sampal ang natamo ni Bernice mula dito. Kaagad na dinaluhan ni Royce si Bernice na nakahawak sa pisngi niyang namula na sa lakas ng sampal na natanggap. Lumabas mula sa banyo si Calvin at kaagad niyakap si Bernice.
“ Mama, what are you doing with my girlfriend!” galit na sita ni Calvin sa ina.
“ Girlfriend my ass! Hindi ko narealize kung gaano bumaba ang taste mo pagdating sa mga babae. Ayaw mo sa inirereto ko sayo pero gustong-gusto mo itong pinagsawaan na ng tatlo niyang naging asawa! How cheap!” insulto ng ginang kay Bernice.
“ Stop it Ma! You cannot dictate me this time!” matigas na turan ni Calvin sa ina.
“ Is this what you learned sa pakikipagrelasyon sa babaeng laspag?”
Nakayuko lang at nasa gilid si Bernice sa mga naririnig na insulto mula sa ina ni Calvin. Sanay na siya sa mga insultong natatanggap. At sinong ina ang gugustuhin na makapag-asawa ng biyuda ang binatang anak?
Aalis na sana si Bernice para makapag-usap ng maige ang mag-ina pero tinawag siya nito at pinigilan ng Ginang. “Where do you think you are going? Aalis ka dahil masakit marinig ang totoo na laspag ka, gold digger oportunista , salot at busabos! Oh ito!” buhat sa bag nito ay may hinugot na kung ano. “Siguro naman ay sapat na ang dalawang milyon para layuan mo ang anak ko.” Nilapitan nito si Bernice at itinampal sa pisngi niya ang isang tseke.
“Mama!” dumagundong na boses ni Calvin. Pulang-pula ang mukha nito sa pagtitimpi sa galit niya sa ina. Nilapitan niya ang lumuluha na si Bernice.
“ See? Iyan ang natutunan mo sa con artist na yan! Wait until your Papa will hear about this.” Nagpupuyos na rin sa galit ang ginang ng sinigawan na siya ng anak.
“ Itakwil mo man ako i will not leave Bernice. The hell I care about my inheritance!”
Sa narinig mula sa anak ay di makapaniwala na umalis ang ginang sa tambayan nila. Inalalayan nila si Bernice at bumili pa sila ng ice pack sa convenience store para hindi mamaga ang pisngi nito. Hindi na muna nila pinauwi ito at doon na sila lahat natulog sa tambayan. Syempre pa ay iba ang higaan ni Bernice. Iginagalang siya ng mga kabanda ni Calvin at kahit ito dahil ni minsan ay hindi ito nag take advantage sa kanya. Ayon dito sa wedding night na nila ito babawi.
Lumipas ang anim na buwan pa ulit ay isa na sa pinakasikat na banda sa Pinas ang “ The Infinites”. Nagbunga ang kanilang pagsisikap at ang unang Major Concert nila ay ginanap sa isang sikat na stadium. Sold out ang concert dahil tatlong oras lang ay ubos na kaagad ang ticket. Tuwang-tuwa ang mga fans sa unang concert offering kaya inabangan talaga ng mga ito ang online ticket selling.
Gabi na ng concert at abala ang lahat. Naging smooth sailing ang concert kahiy halos di magkarinigan sa concert venue pero lahat ay halatang enjoy at sinulit ang buong concert. Matapos ang concert ay isang victory party ang ginanap ng buong production team ng Concert organizers at sponsor. Bumaha aang alak at pagkain sa bar na eksklusibong inupahan para sa gabing iyon. Lahat ay nagakakasiyahan hamggang sa isang malagim na tili ang narinig mula sa isang hallway patungo sa comfort room.
Si Calvin ay natagpuang nakahandusay at walang malay sa sahig. Dinaluhan siya ng mga kaibigan sa pag-aakala na nawalan lang ng malay ngunit kalaunan ay nagpatawag na ng ambulansya nang hindi pa rin magising pagkalipas ng limang minuto.
Umiiyak na si Bernice nang makarating sila sa hospital ay wala pa ring malay si Calvin. Kaagad itong dinala sa Emergency Room at sinuri. Tinawagan na ni Steffan ang pamilya ni Calvin para papuntahin sa hospital.
Dalawang oras lang ay dumating na ang buong pamilya ni Calvin. Naitsipwera si Bernice ng lumabas ang doktor mula sa ER. Lumapit ang doktor sa mga Contreras at nagsalita. “ Well, it seems you are clueless about the patients disease. I've been his neurologist for two years. The patient has a massive brain tumor and it's inoperable. Base sa kanyang sinabi ay may lahi kayo sa mother side, right Mrs. Contreras? Your father died because of a brain tumor?”
“ No! Hindi ang anak ko!” Isang malakas na palahaw ang narinig sa bulwagan ng ER. Ang hinagpis ng isang ina ng malaman ang malubhang karamdaman ng anak na maaring ikamatay nito ng maaga. Nawalan ng malay dahil sa sobrang emosyon ang ginang. Emosyonal din ang ama at mga kapatid ni Calvin sa maaaring hantungan nito.
Napahagulgol si Bernice. all this time ay alam ni Calvin ang sakit nito and yet walang humpay ang mga gigs nila. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa paglilihim ng kasintahan. Ngayon ba siya masasaktan muli gayung hulog na hulog na siya? Gusto niyang humiyaw pero walang boses ang lumalabas sa lalamunan niya. Gusto niyang pansamantalang panawan ng ulirat sa sakit. Sa sobrang pagud niya ay bumagsak siya sa lapag.
Kinabukasan paggising niya ay nasa isang silid na siya at dominante ang amoy ng mga kemikal na panlinis. Pihadong nasa ospital siya at muli ay naalala kung bakit siya narito. Babangon na sana siya ng nakita niya ang ama na nakayukyuk sa gilid ng hospital bed. Napakislot ito ng namalayan na gising na pala siya.
Kaagad na nangilid ang luha niya at niyakap ang ama. “ Tay, ang sakit. Ang sakit-sakit! Wala na ba akong karapatan na lumigaya at sa tuwina ay nasasaktan ako!” Humagulgol na siya ng mahigpit na niyakap siya ng ama.
Isang linggo bago nagkamalay si Calvin. Balita na sa buong showbiz circle ang naging kalagayan ni Calvin. Marami ang nalungkot at nag- alay ng kanilang panalangin para sa agarang paggaling nito.
Comatose ito ayon sa doktor nito noong nakaraan at 10% lng ang tsansa nitong mabuhay kahit magising ito. Si Bernice ang kaagad nitong hinanap. Masakit man sa kalooban ng ina ay hinayaan ang anak na makapiling ang kasintahan nito.
“ Huwag kang malungkot mahal. Sasamahan kita kahit mawala man ako sa mundo. Ako ang magdadala sa iyo sa taong mamahalin ka sa habang buhay.”
Walang imik si Bernice bagkus ay para siyang manika na nasa tabi lang na walang humpay ang patak ng luha. Minuwestra ni Calvin ang kamay para palapitin ang ina. May ibinulong ito at medyo nagdilim ang mukha nito na nakatingin kay Bernice. Hindi man lang narinig ng dalaga ang sinabi ng kasintahan at dali-dali na ring lumabas ng silid.
" Mahal, nais kong maikasal tayo kaagad. Gusto kong sa huling sandali ng aking buhay ay taglayin mo ang pangalan ko."
Humagulgol na si Bernice sa sinabi ni Calvin. Para siyang batang inagawan ng laruan na ayaw tumahan.
Dalawang oras lang ang pinaghintay nila at isang pari ang nag kasal sa kanilang dalawa. Nahirapan man ay naitawid nila na matapos ang seremonyas at pumirma pa si Calvin sa dokumento na dali daling na provide ng mga contreras. Kung legal ba ang mga dokumentong iyon ay hindi alam ni Bernice. Ang mahalaga lang sa kanya ay pagbigyan ang huling kahilingan ng kanyang mahal na maikasal silang dalawa.
Pumalakpak ang mga naroon sa silid kabilang na ang ka banda ni Calvin. Pumaroon din ang pamilya ni Bernice na kagyat niyang tinawagan. Wala naman naging tutol ang mga ito bilang paggalang sa gusto ni Calvin.
Nang sinabi ng pari na maari na halikan ng groom ang bride ay isang matamis na ngiti ang sumilay sa hapo ng katawan ni Calvin. Maalab na halik ang pinagsaluhan nila at nagyakapan pa. Ngunit ilang sandali pa ay kusang bumitaw si Calvin.
Nagkagulo na ang lahat ng pumasok ang mga doktor. Pinalabas silang lahat sa silid at pinaghintay sa labas habang nirerevive si Calvin. Biglang bumagsak na kasi ang blood pressure nito at humina na ang heartbeat. Tatlong doktor na at ilang nurse ang nasa silid Pero walang nagawa ang mga ito.
" Time of death: 3:20p.m.."
Iyon ang parang bombang sumabog sa pandinig ni Bernice bago siya nawalan ng malay.