Pagkatapos ng libing ni Manuel ay ipinatawag ng abogado ang mga anak at si Bernice. Babasahin na ang last will and testament ng yumao at kailangan andun silang lahat.
Nakasaad sa huling habilin na ang pagmamay ari ng yumao ay paghahatian lamang ni Maureen at Renald, ang mga anak ni Manuel na lalaki.
Napaawang ang bibig ni Maureen at napatingin sa biyuda ng ama. Nilapitan si Bernice at ginagap ang kanyang mga kamay.
"Pasensya ka na kung napagbintangan kita na pineperahan lang si Daddy. Nadala na kasi kami ng dahil dalawang beses din tinakbuhan si Daddy ng kanyang mga naging nobya noon."
"Naku, wala yon. Sabi nga ng Daddy mo ay mabait ka naman eh. Ako na rin tumanggi na tumanggap ng mamamanahin ninyo. Mas kailangan ninyo lalo at may sarili na kayong pamilya."Nakangiting saad ni Bernice kay Maureen.
Lumisan si Bernice sa mansion ng yumao ng asawa na magaan ang loob.
After Six months
" Talaga Babe? Pumapayag ka ng magpakasal tayo?" Maluha luhang usal ni Gordon habang nakaluhod sa harapan ni Bernice. Tumayo ito para isuot ang engagement ring na merong 1 Carat diamond kay Bernice.
"Oo sabi eh. Excited na akong maging Mrs. Cruz!" Kinikilig na sagot ni Bernice kay Gordon. Inalalayan ng dalaga ang huli na tumayo atsaka buong higpit na niyakap. Napatili si Bernice ng hinapit siya ng binata at inikot ng ilang beses at buong alab na hinalikan ang mga labi.
Palakpakan ang mga tao sa isang amusement Park kung saan naganap ang Proposal ni Gordon.
Tuwang tuwa naman ang magkabilang partido sa naging pasya ng dalawa. Kahit dalawang buwan pa lang silang magkakilala ay naging malalim na ang kanilang relasyon. Isang gym instructor si Gordon at naging estudyante niya sa isa sa kanyang klase si Bernice. Madaling nagkahulihan ng loob ang dalawa at agad na nagpasyang ituloy na sa kasalan. Balewala naman sa partido ni Gordon kahit biyuda si Bernice. Magiliw ang may edad ng mga magulang nito. Treinta y dos na si Gordon at talaga namang macho. May six pack na abs at maginoo. Ni minsan ay hindi nito sinamantala ang p********e ni Bernice kahit madalas tumambay sa condo ni Gordon ang huli.
Isang simpleng civil wedding lang ang napagkasunduan ng bawat partido. Piling bisita lamang ang dumalo sa kasalan Gordon Cruz at Bernice Gacho.
"Sa wakas sister! Makakatikim ka na uli ng luto ng Diyos." Ang maarteng hirit ni Brendan sa kambal.
"O, anak ang turo ko sayo ha? Para magka apo na kaagad kami sa iyo," kinindatan si Bernice ng ama. Gwapong gwapo ito sa suot nitong polo barong. Hindi halatang binabae ito.
"Anak, galingan mo mamaya ha? Dapat may Honeymoon baby kaagad kayo ni Gordon mo." Ang susog ng inang si Bridgette na magandang maganda sa suot nitong Salmon pink na mermaid gown.
"Oo na. ang kulit eh. Ma's excited pa kayo sa akin sa honeymoon eh!"
"Oh, there you are. Babe, I want you to meet my college friend na kakauwi lang from the US, si David. David, this is my beautiful wife Bernice Gacho-Cruz. My in laws, Papa Bernardo and Mama Bridgette. Pa, Ma si David." Pagpapakilala ni Gordon sa kaibigan nito.
Tumango lang ang mga Gacho at ngumiti naman ang nagngangalang David.
Tumalikod na ito at nakihalubilo sa pamilya ni Gordon.
" I can smell something fishy about that David. Naatsing ako. Paminta!"
"Brendan! Behave anak. Hayaan mo yong tao." Ang warning ni Bernardo sa anak.
Natapos ang reception ay lumipad para sa kanilang honeymoon papuntang Macau sina Bernice at Gordon.
Tuwang tuwa silang mag asawa na namasyal sa napakagandang lugar. Pinuntahan nila ang Venetian Macau, Wynn Casino at nilibot ang lahat ng Casino Arcade doon.
Ngunit nagtataka si Bernice dahil hindi man lang nag take advantage si Gordon sa kanya kahit ngayong mag asawa na sila. Kaya sa ika-apat na gabi nila ay tinanong niya ito kung may problema ba silang mag asawa.
"Tell me Gordon. May gusto ka bang sabihin sa akin?"
"At ano naman babe?"
"Sige na. Huwag ka mahiya. Para ano na nagpakasal tayo kung maglilihim ka sa akin?"
"Actually… actually. Ano kasi Babe."
"Ano nga kasi? Sirit na!"
"Bakla ako. I'm sorry kung nilinlang kita para magpakasal sa akin na hindi nagcoconfess." Umiiyak na si Gordon sa sobrang emosyon na nadama.
"Yon lang? Iyan ang dahilan mo kaya ka naglihim?
Napatigil sa pag hikbi si Gordon at tiningnan si Bernice. Niyakap niya ito at hinalikan ang bumbunan.
" Akala mo hindi ko napapansin? Bakla kaya ang tatay at kambal ko. Kaya alam ko naman. Hinihintay ko lang na sayo mismo nanggaling ang pagtatapat. Ayaw ko namang pangunahan ka."
Tuwang tuwa si Gordon dahil tanggap pa rin siya ng asawa kahit pa sa kanyang kasarian. Natulog silang magkatabi ng gabi ng iyon na kapwa may ngiti sa labi. Kung kelan man naisin ni Gordon na maangkin si Bernice ay ipinaubaya na ng huli sa kanyang asawa ang desisyong iyon. Ayaw naman niyang pangunahan ito at enjoy naman siya sa company nito.
After one week sa Macau ay balik Pinas silang mag asawa. Bumili si Gordon ng mga pasalubong para sa mga magulang at mga biyenan.
Abot tenga ang ngiti ng mga Gacho ng bisitahin ng bagong kasal ang kanilang tahanan. Isa isang binigay ni Gordon ang pasalubong sa mga ito. Couple Tshirt na may nakatatak " I love Macau" ang para sa mga biyenan at mga pagkain na sikat doon tulad ng jerky at moon cake. Keychain na may casino chips naman ang kay Brendan at nagtitili ito sa regalo ng bayaw.
Naging masaya naman ang pagsasama nila hanggang minsan ay napansin ni Bernice na malayo ang tingin ng asawa. Palagi itong nakatingin sa terasa ng condo na nasa ika 18th floor.
Isang araw ay nagpaalam si Bernice sa asawa na mag overnight sa bahay ng mga magulang bilang selebrasyon sa pagkakapanalo ni Brendan sa isang beauty contest. Hindi niya akalain na iyon na pala ang huli nilang pagkikita mag asawa.
Natagpuan ang katawan ni David at Gordon na nakasabit sa kisame ng kanilang condo. Halos mawala sa kanyang sarili si Bernice sa inabutang eksena. Kaagad siyang tumawag ng police at ng building administrator para mapaimbestigahan ang nangyari.
Nang maghalungkat sa mga gamit ng asawa ay wala naman siyang sulat bagkus ay isang diary ang nakita sa kanyang drawer.
Binuklat ni Bernice ang diary at buhat doon may isang sulat na nakasobre ang nalaglag. Binuksan niya iyon at binasa.
Babe,
While you are reading this. I know I'm already gone. Thank you for the love and understanding despite my shortcomings, you accepted me and never doubted my love for you.
I fervently pray that you will find a real man who can give you the family you deserve. Someone who can satisfy you in all ways possible.
It was always David from the start. I lied. He has never been to the US. He has been my lover since college. Its just that I can tell the world I love him. My parents will despise me. I will disappoint and stain our dainty surname.
I tried but failed but I have loved you in my own ways.
Gordon
Niyakap ni Bernice ang diary at sulat. Ibinuhos niya ang emosyon. Awa. Panghihinayang at pagmamahal. Iyon ang naramdaman sa pagpapatiwakal ng asawa.
Hinamig ang sarili at pinuntahan ang mga biyenan. Ibinigay niya ang Diary sa mga ito. Alam niya sa sarili na mas kailangan basahin ng mga ito ang nilalaman niyon upang mas maunawaan ang pinaghugutan ng desisyon nitong wakasan na a lang ang buhay. Nagsisisi ang biyenang lalaki sa naging pag trato sa anak. May alam pala ito ngunit pinili ang anak ng magpakalalaki dahil para dito ay isang kahihiyan sa kanilang angkan ang pagiging bakla.
Malinaw sa naging imbestiga sayon na walang foul play. Nag desisyon ang mga Cruz na ipa cremate na lang ang anak at ang abo nito ay iniwan ni Bernice sa mga biyenan. Isa nanaman siyang ganap na biyuda sa ikalawang pagkakataon.