Kinabukasan nga ay balik-trabaho sina Bernice at Gerard. Kaswal lang naman ang kanilang kilos sa bahay ng huli lalo at masyadong mausisa ang kasambahay ni Gerard. Kasalukuyang, inaayos ni Bernice ang pagkakaayos ng mga papeles na nakalapag sa lamesa ni Gerard nang bumukas ang pinto. Kaagad siyang napalingon at tiningnan kung sino ang pumasok. Isang matandang lalaki na kawangis ni Gerard ang pumasok kaya awtomatikong yumukod si Bernice bilang paggalang dito. Kung tiyuhin man o ama nito ang kanyang amo ay mas nakakabuti ng maging magalang, iyon ang naisip ni Bernice. “Who are you?” may awtoridad na tanong nito. Tinitigan nito si Bernice sa mapang-uring paraan. Hindi na nagtaka si Bernice sa ginawa nito. Sasagot na sana si Bernice nang bumukas ang pinto at iniluwa si Gerard. Bahagya pan

