NAGISING siya sa tunog ng kanyang cellphone kaya naman kahit antok pa ay napilitan siyang bumangon upang hanapin iyon. Nang makita iyon ay agad niyang sinagot ang tawag ng kanyang kaibigan. "Hello?" "Safirah?! Where are you! Kagabi pa kita tinatawagan dahil ang sabi mo babalik ka kaagad. Nasaan ka ba? Muntik na 'ko tumawag ng pulis!" nag-aalalang sigaw ni Josie sa kabilang linya. Napakamot siya ng ulo." Pasensiya na kung hindi ko nasagot ang tawag mo kagabi." "Nakakaloka ka talaga. Nasaan ka ba?" Lumingon siya sa paligid para hanapin si Terence pero wala ito roon hanggang sa marinig niya ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Tumikhim siya. "I-I'm with T-Terence," nauutal niyang sabi. "T-Terence?! Terence ba kamo? Yung ubod ng yaman na nananakit sayo? Anong ginagawa mo diyan?" Napati

