"YOU didn't really learn a lesson when I dragged your illegal business down the mud before?" aniya pagkatapos ay binigyan niya muli ito ng malakas na suntok sa mukha habang nakagapos ito sa isang upuan. Sa sobrang galit niya ay halos hindi na niya maramdaman ang sakit ng mga sugat niya sa kamao dahil sa walang humpay na pagsuntok niya sa mukha nito. At dahil sa tinamo nitong sugat sa mukha ay halos hindi na rin ito makilala at hindi na rin makapagsalita ng matuwid ngunit nagagawa pa rin nitong ngumisi. May ilang ngipin na rin itong natanggal dahil sa mga suntok niya. Kumuha siya ng isa pang silya at dinala iyon sa harap nito at umupo. Wala pang ilang oras ay nakumpirma na agad niya kung sino ang pasimuno ng pagpapasabog sa apartment na tinutuluyan ni Safirah. Marami na siyang nakalaban at

